Zombie 29

8.3K 293 17
                                    

Zombie 29: New feeling

Megan's POV

Nakangiti akong bumangon sa higaan. Nag inat ako at dumiretso sa banyo para makapag hilamos.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero ang alam ko ay sobrang saya ng nararamdaman ko ngayong araw.

Ano bang nangyayari sa akin? nababaliw na ba ako?

Nag kabit balikat ako at nag simula ng mag hilamos.

* * *

Colbie's POV

Habang umiinom ako ng kape ay nakita ko si bunso na magiliw mag lakad. Para syang batang nag lalakad at nakangiti pa sya ng malapad. Oh fuck. Mag hahanda na ba ako ng lechon dahil sa wakas ay nakangiti na sya?

Kung sakali man ay talagang gagawin ko yun. Why? Because its a miracle. A sweet true smile covered to her lips.

Bawat madadaan nya ay naapapatingin sa kanya. Siguro ay na wi-weirduhan sila kay Bunso. Syempre sino ba naman ang hindi mag tataka na yung coldhearted zombie hunter ay ngumingiti?

Pero ok na yung ganyan kesa naman na maging malamig sya sa amin.

"Hi kuya" nakangiti nyang bati sa akin at niyakap pa na kinasinghap ko. Nakaawang yung bibig ko at awkward na tinapiktapik yung likod nya.

"Where's my milk?" naka ngusong tanong nya. Eh?

Napatingin ako saglit sa mga tao at nakita kong napahinto sila sa kinakain nilang pagkain at nakatingin sa amin. Oh geez. Ramdam ko yung nararamdaman ng mga taong naka mata sa amin. They having a weird look towards to Megan. Muli akong tumingin kay bunso at nginitian sya.

"You want milk?" naka ngiti kong tanong kahit sa kaloob looban ay napapangiwi ako ng palihim. Lumapad yung ngiti nya at tumango.

"Yeah. Gusto ko din ng pancake please?" ani nya at nag puppy eyes pa. Kaya kitang kita ko yung kulay asul na mga mata nya. Doon na talaga ako napangiti. Ang ganda talaga ng bunso ko.

"Oo na oo na. Umupo ka na sa upuan at gagawa na ako ng pancake" sabi ko.

"Yes" nakangiting bulong nya at umupo sa bakanteng upuan. Kung may magandang elemento na sumanib sa katawan ni bunso sana huwag na syang umalis.

***

Patricia's POV

"Ang cute ni Megan, Yvonne. Hindi ko alam na may ganyan syang side" bulong ko kay Yvonne habang kumakain kami. Habang kumakain ako ay pasimple akong tumitingin kay Megan. Nagulat ako ng tumingin sya sa akin at nginitian pa ako. Wahh! Ang gorgeous nya.

"Cute, but weird" bulong ni Yvonne sabay kagat ng tinapay. Yeah, she's weird. Kahapon lang ang lamig lamig ng mga tingin nya pero ngayon ang jolly-jolly nya. Dinaigan nya pa yung childish attitude ko. Oo na, Inaamin ko na may childish side ako.

"Thank you kuya" bumalik ako sa ulirat ng marinig ko na naman yung jolly voice ni Megan.

Napangiti ako ng makita kong enjoy na enjoy si Megan habang kumakain ng sandamakmak na pancakes at may kasama pang milk. Pansin ko lang kay Megan. Matakaw syang kumain pero hindi naman sya tumataba. Tsk. Kainggit talaga siya.

Megan's POV

Nang matapos na kaming mag handa ay sumakay na kaming lahat sa bus. Mahaba pa ang magiging byahe namin papuntang Ilocos kaya mag hahanap muna kami convenience store para kumuha ng pagkain.

About sa kotseng​napulot namin ni Eren kagabi ay si Ken ang ina-sign ko dun at kasama yung iba pang boys. Nagrereklamo pa nga si kuya na bakit si Ken pa daw yung pinahawak ko sa sasakyan. Pero sa huli ay sya din ang natalo sa akin.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now