Zombie 43

7.1K 240 39
                                    


Zombie 43: Christmas Surprise

Megan's POV

Nasa living room kami ng bahay at nag aayos ng palamuti at nag babalot din ng mga regalo. Nandito rin sila Yvonne, Patricia, Nina at yung mga boys. Syempre nandito rin si Eren.
Pumunta sila dito para tulungan kaming mag lagay ng Christmas decor.

Si Tito naman ay naka upo sa one seater sofa at mukhang natutuwa habang pinapanood kami. Katabi nya lang din si Arnold na humihigop ng kape at pinapanood din kami.

"Oh, ikaw na ang mag kabit ng star sa pinaka tuktok ng Christmas tree" Nakangiting sabi ni kuya. Napa titig ako sa star at tumingin din sa tuktok ng Christmas tree.

Naaalala ko pa na nung bata pa kami ni kuya Derrick ay gawain namin to kapag sumasapit ang pasko sa Amerika. Sobrang saya dahil kasama pa namin sila mama at papa non.

Hindi namin pinapalagpas ang pag lalagay ng malalaking socks sa gilid ng hagdan, dahil nung time na yun ay naniniwala pa ako sa Santa Claus, sa mga oras na iyon ay nakakatanggap pa ako ng regalo na nasa loob ng medyas pero hindi ko alam na sila mama at papa lang ang nag lalagay nun.

Ngumiti ako ng malungkot. Miss ko na sila.

Nagulat ako nung maramdaman kong lumutang ako sa ere. Tinignan ko kung sino yung nag buhat sa akin at si Eren lang pala yun. Bale naka upo ako sa batok nya at nasa pagitan ng ulo nya sa dalawang hita ko.

"Ilagay mo na yung star, baby" aniya. Naramdaman kong uminit yung mag kabilang pisngi ko at umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at nilagay na yung malaking star sa Christmas tree.

"Ibaba mo na ako, lalaki" bagot kong sabi kay Eren. Pero ang loko ay nginisihan lang ako. Nagulat ako nung hindi nya ako binaba bagkus binuhat nya lang ako na para bang bagong kasal. Napatili pa ako dahil baka mahulog ako dahil sa ginawa nyang pag salo.

Narinig kong nag hiyawan sila kuya pero hindi ko maputol-putol yung tingin ko kay Eren. Ganun din sya na diretsong nakatingin sa akin.

Kitang kita ko sa mga mata nya yung kasiyahan pero parang may kasamang lungkot? Malungkot ba sya?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na hinalikan na pala ako ni Eren. Isa lang naman yung kiss smack.

Nagulat ako nung may makita akong luhang lumabas galing sa sulok ng mata nya.

“Eren...” ngumiti sya.

"No matter what happen to us, baby you are mine and you will never leave me" ma-emosyonal nyang bulong. Parang may ibig sabihin nung sinabi nya pero hindi ko alam kung ano yun.

Mag sasalita na dapat ako ng binigyan nya na naman ako ng halik. Pero mas matagal ito kesa kanina.

* * *

December 25, 1913

"Kainis ka naman kasi eh! Hindi mo kasi ginalingan kaya hindi tayo nanalo!" paninisi ni Patricia kay Jai. Si Jai naman hindi ko malaman kung maiiyak na ba o hindi.

"S-sorry na honey bunch! Magagaling kasi yung mga kalaban natin" naiiyak na sabi ni Jai.

"Hmp! Kahit na! Kung hindi ka lang nag pakaduling eh baka manalo pa tayo kanina!" inis na sabi ni Patricia at nag walkout.

"H-honey bunch! Wait!" sigaw ni Jai at nag mamadaling tumakbo. Napailing nalang ako. Hindi sila nanalo sa labanan kaya heto sila nag sisihan. Ang nanalong grupo ay yung grupo ni Bianca. Ang panglawa naman ay sila Patricia at ang pangatlo ay sila Mich.

Habang nag lalakad kami sa tabing kalsada ay pinapanood ko yung mga taong namamasyal din. Masaya ang mga mukha nila at may dala dala silang mga ragelo, pagkain, laruan at marami pang iba.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon