Zombie 22

9.6K 428 13
                                    


Zombie 22: Zombie Hunter?

Megan's POV

"Is this your house, Megan?" tanong ni Patricia habang nililibot yung paningin sa paligid ng bahay.

"Hindi, bahay ito ng kapitbahay nya" pang babara ni Yvonne kay Patricia.

"Eh bahay pala to ng kapatid bahay ni ganda. Eh bakit tayo nandito? Diba dapat sa bahay nya tayo pupunta?" inosente  tanong ni Jai. Napa iling nalang ako. Ang iingay nila. Nakakairita. Tss.

"Tanga ka na nga nag tatanga-tangangahan ka pa" hindi ko na sila pinansin at dumaretso na lang sa kusina. Nandoon naman si kuya at may kausap sa telepono na may antenna.

Lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig. Habang umiinom ako ay napansin kong nakangiti si kuya habang may kausap sa telepono. Binaba nya iyon at nakangiti akong tinignan.

"Bunso" tawag nya sa akin.

"Hmm?" aniya ko habang nakatingin sa ref. Bwisit. Walang makakain. Sinarado ko na yung ref at pagod na umupo sa upuan. Bed na mi-miss na kita!

Umupo si kuya sa harapan ko. Kumunot yung noo ko ng makita kong nakangiti pa rin sya. Parang tanga lang. Tch.

"Tumawag si dad. Sabi nya naayos na yung gulo sa conference room ng meeting ng prime minister. Marami na ding naligtas na survivors at dinala na sa Ilocos Region" saad nya na hindi matanggal-tangal yung ngiti sa labi nya. Tumango tango ako habang humihikab.

"That means, pwedeng bukas nalang tayo bumyahe papunta doon?" bagot ko'ng tanong. Tumango sya na ikinangisi ko. That would be wonderful. Makakatulog ako ng maayos. Ayokong matulog sa kotse. Nasusuka ako kapag ganun.

* * *

Yvonne's POV

Nakaupo kami sa sofa at yung mga boys naman ay sa lapag naka upo dahil hindi naman kami kasya. Habang yung Colbie ba yun? Yes, si Colbie at si Megan naman ay nasa harapan namin at seryosong inaayos yung mga armas na naka latag sa mahabang lamesa. Gawa sa kahoy at sobrang baba lang nun.

May hawak na baril si Megan at ine-examine yun na para bang pinag aaralan. Habang si Colbie naman ay nag lalagay ng bala sa mga malalaking baril. Sana'y na sana'y sila. Alam nila kung paano hawakan ang mga yun. Kailan pa nila natutunan  yan?

Tahimik lang kaming pinapanood sila. Walang nag tatangkang magsalita sa amin, tanging yung pag kasa ng baril at pag tama ng baril sa lamesa lang ang ang narinig ko.

Gusto ko'ng mag tanong kung sino ba talaga si Megan. Kung bakit nag disguise pa sya? kung saan nila nakuha yang mga armas na gamit nila? Alam ko din na maraming katanungan sa utak ni Nina. Halata sa itsura nyang naka kunot habang pinapanood sila Megan. Pero tulad ko ay hindi nya magawang mag tanong.

Pero nabasag ang katahimikan ng marinig ko yung malamig nyang boses na nakakapag patindig ng balahibo ko.

"Ask now" malamig nyang sambit habang nakatingin pa rin sa baril na hawak nya. Napalunok ako. How did she know na gusto namin syang tanungin?

"S-sino ka ba talaga Megan?" naka kunot na tanong ni Nina. Tama sya. Sino ka nga ba talaga Megan?

Megan's POV

"S-sino ka ba talaga Megan?" napa tigil ako sa ginagawa kong pag check sa bawat parte ng baril dahil sa naging tanong ni Nina. Ganun din si kuya. Napa tigil sya sa ginagawa nya at tumingin sa akin. Napa ngisi ako at binaba yung baril sa lamesa.

"Sino ako?" ngising sambit ko habang kumuha ng makapal na puting tela at pinangpunas sa dagger.

"O-Oo sino ka ba t-talaga Megan?" ani ni Yvonne na halatang kinakabahan. Bakit sya kinakabahan? Lalo tuloy akong natutuwa sa mga taong katulad nya. I can sense the nervous in her tone of her voice. Palihim akong ngumiti ng malademonyo. Kinakabahan ba sila sa akin? Paano kaya kapag nasa gitna na kami ng labanan?

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu