Zombie 48

6.3K 194 2
                                    


Zombie 48: Megan vs. Derrick

Megan's POV

"H-hindi kita kayang kalabanin kuya"  sabi ko habang umiiling ng paulit-ulit. Hindi ko talaga kaya. Sa unang pag kakataon ako ang naka sakit sa kanya ayoko na muling maulit yon.

"Pwes, ako na mismo ang tatapos sa labanan na ito" ngising sabi nya at tumakbo papunta sa akin. Mabilis akong umilag sa paparating na suntok ni kuya. Kaso yung isang kamay nya ay isinunod nya sa akin at tumama iyon sa gilid ng tyan ko.

Napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman ko at lumayo sa kanya. Mukhang napansin ni kuya yung naging reaksyon ko kaya mas lalong lumapad yung ngising nakapaskil sa labi nya.

"Mukhang alam ko na yung pinakaiingatan mo, bunso. Nang dahil dyan mas lalo akong ginaganahan sa laban natin" saad nya at muling sumugod. Agad kong hinarang yung dalawang braso sa tyan ko nung akmang susuntukin nya iyon.

Pinapaulunan nya ako ng suntok habang ako naman ay umiiwas sa mga suntok nya. Habang nag kakalabanan kami ni kuya ay biglang sumagi sa utak ko yung sinabi ni Arnold. Mahina daw ang kapit ng bata kaya mag ingat ako. Mahina akong napamura.

Pero paano na ngayon sa sitwasyon ko? May chance ba na mawala yung anak ko kapag hindi ako nanlaban kay kuya? Pero ayokong saktan ulit si kuya. Pero itong kaharap ko ngayon ay mukhang pursigidong patayin ako.

Natigilan ako nung nakatanggap ako ng suntok sa mukha ko kaya napa bagsak ako sa flooring. Napa daing ako sa sakit nung binuhat nya ako at sabay na binato pabagsak sa lamesang babasagin. Ramdam ko yung mga maliliit na bubog na bumaon sa likod ko. Napa ubo ako ng dugo.

Nang hihina akong napatingin kay kuya na madilim na nakatingin sa akin.

Hindi sya yung kuya ko. Tama, hindi sya ang kuya ko dahil ang totoong kuya ko ay hindi hinahayaang masaktan ako. Lahat gagawin nya wag lang akong mahirapan at masaktan.

Ayun ang tumatak sa utak ko ngayon. Hindi sya ang kuya ko.

Nag tiim bagang ako sa naiisip ko sabay bigay ng malakas na sinipa sa mukha ni kuya. Napahiga sya sa flooring habang hawak hawak nya yung panga nya.

"Hindi ikaw ang totoo kong kuya" sabi ko habang walang emosyon syang tinitingnan. Kahit nanghihina na yung katawan ko ay pinilit ko pa ring makatayo para harapin sya.

"Ang dapat sa mga katulad mo ay pinapatay na" malamig kong sambit at kinuha yung dalawang espada kong nasa flooring. Ngumisi sya at tumayo.

"Maganda yan, bunso. Makikita natin kung sino ba talaga ang pinaka malakas at mahusay na lumaban sa ating dalawa" saad nya at kinuha yung espadang naka dikit sa pader.

"Bring it on" ngising sabi ko at sumugod papunta sa kanya. Tatamaan ko na dapat sya sa sikmura kaso agad nyang hinarang yung espada nya mula sa akin. Mabilis akong lumayo dahil muntik nya na akong madaplisan sa mukha.

Masama kaming nagtitigan habang nag hahampasan kami ng espada. Napamura ako dahil malakas nung hinampas ni kuya yung isa kong espada kaya tumilapon iyon sa malayo. Ngayon iisa nalang ang espada ko.

Hindi ko na iyon pinansin at tumakbo papunta sa table. Nang makalapit ako sa table ay tumalon ako ng malakas at sumabit sa chandelier. Dumuyan ako sa chandelier sabay bitaw papunta kay kuya. Nasa ere akong sinipa yung mukha nya kaya napalayo sya sa akin.

"Mukhang gumagaling ka na bunso huh" ngising sabi nya. Kumuyom yung kamao.

"Don't. Call. Me. Bunso" diin kong sabi habang matalim syang tinitigan. Tumakbo ako papunta sa kanya pero agad akong napahinto nung mag salita sya na ikinagulat ko.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now