Zombie 3

14.5K 583 113
                                    

Zombie 3: Derrick Stainsfield

Continuation.....

Megan's POV

Ko-konti lang yung mga zombies na nag kakalat sa parking lot. Halos mga teachers na na-infect na.

Hinampas ko ng baseball bat yung zombie na papalapit na sana sa akin. Agad naman akong umilag sa isa pang zombie na kakalmutan dapat ako sa braso. Tinadyakan ko sya sa sikmura para makalayo ng kaunti. Nang makalayo sya ng kaunti ay hinigpitan ko ang pag hawak sa baseball bat dahil na mamawis na yung palad ko.

Shit, ang sakit na ng kamay ko.

Lumapit ako sa zombie at hinampas din yung ulo tulad ng ginawa ko sa isang zombie. Ganon palagi ang target ko. Ang unahin ang ulo nila.

Nang matamba na yung zombie ay nilibot ko yung paningin ko sa paligid para hanapin yung kotse ni kuya. Nasa dulo pa pala. Kailangan pa naming lagpasan lahat ng zombies na naka kalat.

Sinilip ko si kuya. Mukhang nahihirapan syang makipag laban sa dalawang zombies na papalapit sa kanya. Hindi nya alam kung sino ang tutukan nya ng baril.

Bago pa sya malapitan ay agad akong lumapit sa isang zombie at hinampas sa ulo. Napa ngiwi ako dahil panibagong dugo na naman ang tumalsik sa mukha ko. Sunod ko namang hinampas yung isa. Natumba na ito at hindi na gumalaw pa.

Nag thumbs-up syang naka ngiti sa akin. Ngumiti ako at nag thumbs-up din sa kanya.

Kumunot yung noo ko ng makita ko yung ekspresyon ni kuya. Bakas yung gulat sa mukha nyang naka tingin sa likuran ko.

"B-bunso! may zombie sa likuran mo!" sigaw nya at tinuro yung likuran ko. Shit! Nang maka talikod ako ay laking gulat ko ng dumamba yung zombie sa akin, kaya napa higa ako. Kakagatin nya na dapat yung leeg ko ng iharang ko agad yung baseball bat sa mukha nya. Kaya yung nakagat nya ay yung baseball bat.

Pilit kong nilalayo yung mukha nya gamit yung baseball bat pero ang lakas nya!

Saglit akong napa silip kay kuya. Hindi sya sa akin makalapit dahil na trap sya sa tatlong zombie na papalapit sa kanya.

Mukhang naubusan na sya ng bala ng baril nya dahil gamit nya na yung baseball bat na bigay ko sa kanya kanina.

Napa mura ako ng may panibagong zombie naman na papalapit sa aking direksyon. Shit!

Hindi pa nakakalapit yung zombie sa akin ng lapitan ito ni kuya at hinampas sa ulo. Napa ngiti ako sa ginawa nya pero agad yun nawala nung makita kong may zombie na nasa likuran nya.

"Kuya may zombie sa likuran mo!!" sigaw ko habang lumalaban sa zombie na naka patong sa akin. Nanlaki yung mata nya. Bago pa sya humarap ay nakagat na sya ng zombie sa leeg nya. Narinig ko yung pag daing nya dahil sa kagat ng zombie.

"KUYA!!!!!!" natakot ako ng may makita akong dugong lumalabas sa leeg nya.

CRAP!!!

Parang nag dilim yung paningin ko sa nakita ko. Masama akong tumingin sa zombie na pilit na lumalapit sa leeg ko para makagat. Sinabunutan ko yung lagas-lagas nyang buhok at inuntog sa noo ko.

Nang mabitawan ko yung baseball bat ay agad gumalaw yung kanang kamay ko. Sinuntok ko yung sikmura nya para maka alis sa pag ka patong sa akin. Nang maka alis sya sa akin ay agad kung kinuha yung baseball bat at hinampas sa ulo nya.

Tumayo ako at lumapit kay kuya na pilit na lumalaban sa zombie. Mukhang na'ng hihina na sya. Inis ko'ng hinampas sa likod yung zombie na kumagat kay kuya. Napa dapa iyon at dapat babangon sana ng tadyakan ko ng paulit-ulit yung ulo nya hanggang sa mag dugo yung ulo ng zombie. Mag du-dugo talaga yun dahil matibay yung takong ng black shoes ko.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon