Zombie 41

6.9K 238 6
                                    

Zombie 41: Mama's Warning

Nag pa-praktis lang akong hawakan yung espada ng kuya ko ng makarinig ako ng kalabog galing sa kwarto nila mama at papa.

Nag mamadali akong tumakbo hanggang sa makarating na ako sa harapan ng pintuan ng kwarto nila mama. Nang pag ka bukas ko ng pintuan ay nabitawan ko yung hawak kong espada dahil sa gulat na aking nararamdaman.

Nakahiga sila sa flooring at naliligo sa sarili nilang mga dugo. Lalapitan ko na dapat sila ng biglang dumilim ang buong paligid.

"Mama! Papa! nasan na kayo?!" sigaw ko habang palinga-linga sa paligid. Wala akong makita na kahit ano. Puro itim lang. Nasan na ba ako?!

"Anak" napangiti ako nung marinig ko yung boses ni mama.

"M-ma" naiiyak kong sabi. Nag lakad lakad lang ako habang palinga-linga sa paligid.

"Nasan na kayo ma? tutulungan ko kayo ni papa" kinakabahan kong sabi.

Napahinto ako sa pag lalakad ng biglang mag flash ang paligid. Napahawak ako sa bibig ko habang gulat na gulat na naka tingin sa mga taong naka bulagta at wala ng buhay.

"T-tulungan mo kami" mas lalo akong nagulat nung mag salita silang lahat at tumayo. Napaurong ako nung dahan dahan silang lumalapit sa akin.

"H-hindi ko kayo maiintindihan" natatakot kong sabi.

"Tulungan mo kami"

"Tulungan mo kami"

"Tulungan mo kami"

Pumikit ako ng mariin at tinakpan ko yung magkabilang tenga ko.

"Tama na! ayoko na! ayoko na!!" naiiyak kong sigaw habang umiiling ng paulit-ulit. Napatigil ako sa pag iyak nung makarinig ako ng yapak ng tao. Nang tiningnan ko iyon ay napangiti ako ng matamis dahil sya lang pala yun. Nandito sya!

Pinunasan ko yung pisngi ko na may luha at nag mamadaling lumapit sa kanya.

"Nandito ka! U-umalis na tayo dito! Ayoko na dito--" napahinto ako sa pag sasalita nung makaramdam ako nung may bumaon na bakal sa sikmura ko kasabay na doon ang pag labas ng dugo sa bibig ko.

"Sleep tight~" ngising bulong nya. Nang mahiwalay ako sa kanya ay napahawak ako sa espadang naka saksak sa akin.

"See you in hell" ngising sabi nya at bigla nalang nawala.

"W-why?" nang hihina kong tanong at pabagsak na napa higa.

Tulala akong nakatingin sa kawalan habang ramdam na ramdam ko ang pag labas ng dugo sa sikmura ko.

"Anak ko" napaiyak ulit ako nung marinig ko ulit yung boses ni mama. Yung boses ni mama na parang umiiyak.

"M-ma" bulong ko habang umiiyak.

"Anak papatayin ka nya! papatayin nya kayong lahat!!" pag babanta nya. Habang kinakapos na ako sa hininga ay nag lalaro sa isip ko yung sinabi ni mama. S-sya ba? No! hindi maari!

"Anak sobrang hirap pero kailangan mong gawin. Kailangan mo syang patayin. Ikaw lang ang susi para matapos na yung problema ng mga tao" doon na ulit nag silabasan ang mga luha ko. Kaya ko ba talaga syang patayin? pero napaka halaga nyang tao para sa akin.

"B-bakit sya pa?" tanong ko kasabay na non ang pag tigil ng tibok ng puso ko.

* * *

Napadilat ako at napaupo. Nakahawak ako sa dibdib ko at habol ko yung hininga ko na para bang ilang kilometro ang tinakbo ko.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now