Zombie 38

7.2K 274 23
                                    


Zombie 38: Arnold Dela Vega



Megan's POV

Si Arnold Dela Vega ay isang sikat na secret agent sa Amerika. Isa syang pure Filipino na kababata ni mama. Pero naging matalik na kaibigan din ni Arnold si papa nung mag kasama sila sa trabaho. Dating ordinaryong pulis si papa noon at nakilala nya si Arnold sa trabaho. Pero hindi nag tagal ay tumaas ang ranggo ni papa at naging chief inspector pulis. Pero kahit ganun ay hindi napuputol ang pag kakaibigan nila.



Nung mamatay sila mama at papa ay nag plano syang hanapin yung gumawa ng karumaldumal na pag kamatay sa magulang ko. Tama nga ako dahil may pumatay sa aking magulang.



Pero hindi pa sya nag sisimulang humakbang sa plano nung mangyari na yung delubyo. Ngayon may panibago na naman syang target, at yun ay yung hanapin din kung sino yung master mind.



Nag tagumpay sya doon dahil nahanap nya yung lugar kung nasaan yung master mind. Nag basa sya ng kung anong libro tungkol sa teknolohiya at science para maraming matututunan. Ginagawa nya iyon para magpanggap bilang isang scientist.



Dalawang taon syang nag pagpanggap bilang isang scientist. Lahat pinag aaralan nya yung tungkol pag gawa nila ng virus. Sa sobrang tagal nya doon ay may natuklasan syang gamot na pwedeng ikaligtas sa aming buhay, at yun ay yung vaccine.



Ang vaccine ay isang gamot na pwedeng mag tanggal ng virus sa loob ng katawan ng tao. Ayun yung ininject sa katawan ni kuya. Pero sa araw ng pag nakaw ni Arnold ng vaccine ay may nakahuli sa kanya.



Nahirapan pero nakatakas parin sya kahit papaano. Naka kuha sya ng isang vaccine para pag aralan yung formula nun pero nung makita nya yung kalagayan ni kuya ay wala syang nagawa kundi gamitin yung vaccine para maagapan yung buhay ni kuya.





Naputol ako sa pag iisip ng marinig ko yung ungol ni kuya na Naka higa sa flooring. Nag latag naman ako ng tatlong karton para hindi malamigan yung likod ni kuya.



Tumayo ako sa pag kakaupo sa swivel chair at lumapit kay kuya. Halos isang buwan na syang walang malay kaya hindi ko maiwasang mag aalala kay kuya. Pero wag daw akong mag alala sabi ni Arnold dahil talagang ganun kapag nag lagay ng vaccine sa katawan ng tao.



Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kong dahan dahang dumilat yung mga mata ni kuya.



"B-bunso" paos nyang bulong habang papikit pikit pa yung mapupungay nyang mga mata. Hinawakan ko yung isang kamay nya.



"I'm here kuya. I'm here" bulong ko pero sapat na iyon para marinig nya. Hindi sya nag salita at dahan dahang umupo.



"Where are we?" tanong nya habang nililibot yung paningin nya sa paligid.



"Nasa drugstore tayo, kuya. Teka may masakit ba sa katawan mo?" tanong ko. Ngumiwi sya at hinawakan yung braso nya kung saan sya nakagat ng zombie.



"Yung b-braso ko ang masakit. Ano ba yung nangyari at napunta tayo dito? Binuhat mo ba ako?" takang tanong nya. Kumunot yung noo ko. Hindi ba nya naalala kung bakit kami napunta dito?





"Hindi nya talaga maalala yung nangyari sa inyo, ng dahil iyon sa gamot. Normal lang yun sa katulad nyang na infect ng virus" naputol ako sa pag iisip ng marinig ko yung boses ni Arnold. Galing sya sa loob ng stock room at parang may kinakalkal sya doon.



"Who is he?" tanong ni kuya na may kasamang pag ka inis. Napa irap ako at bagot na tiningnan si kuya. Kapag hindi nya kilala ay lumalabas yung pag kasuplado nya.



Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now