Zombie 19

10.1K 420 4
                                    


Zombie 19: Reflection of beauty and Emotions

Patricia's POV

"Katakot si Megan." sabi ko kay Yvonne ng makaalis na si Megan ng kusina kasama yung pinsan nya.

Hindi ko akalain na may gwapo palang pinsan si Megan. Ano kayang name non?

"Sinabi mo pa." sabi nya habang umiling-iling na parang hindi makapaniwala.

Pumunta na kaming lahat sa living area para ipagpatuloy yung magiging plano bukas. Pero yung mga mukha nila ay mukhang hindi pa nakaka move on sa nangyari kanina. Lalo na si Mich na tulala pa rin kasama yung mga alipores nya na pilit syang kinakausap.

"Patricia, ayun ba yung girl na nabuhusan ng dugong baboy sa gymnasium?" tanong ni Sandy. Bago ako sumagot ay umupo muna ako sa sofa. Ganun din yung ginawa nya. Si Yvonne naman ay umupo sa dulo ng sofa at pinikit yung mga mata. Mukhang matutulog ang bruha ko'ng kapatid.

"Yup. Pero wag mo na'ng sasabihin ulit yun. Baka marinig ka nun, sige ka!" pananakot ko sa kanya. Ngumiwi sya.

"Totoo kaya yung sinasabi nun na naka disguise lang yun? O sabi-sabi lang?" nag kabit balikat ako.

"I dunno." kabit balikat ko'ng sambit at sumandal sa sandalan ng sofa. Kung totoo yung sinasabi ni Megan na naka disguise lang sya ano naman kaya ang totoo nyang itsura? Atsaka hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yung sinabi nya kanina kay Mich....or para sa aming lahat yata yung sinabi nya.

"Nag papangap lang ako sa harapan nyo. Dahil ako si Megan Stainsfield. Kaya mag ingat kayo sa mga binabatong nyong salita galing sa akin. Baka magulat nalang kayo nasa harap nyo na pala ang isang masamang tao."

Tumataas yung balahibo ko kapag naalala yun. Imposibleng maging masamang tao si Megan. Dahil alam ko'ng mabuti syang tao kahit na ang lamig-lamig ng pakikitungo nya sa amin ni Yvonne at ni Nina. Lagi nga naming kinakausap sya nung wala pang delubyo.

Kinakausap nga namin sya pero hindi naman sya nagsasalita. Para bang wala syang naririnig o walang kausap kaya hindi sya ng sasalita? Yung ganon?

Gusto namin syang maging friends. Wala kaming masamang intensyon sa kanya hindi tulad nila Mich. Mababait kaya kami.

Megan Stainsfield Pang international yung pangalan nya. Hindi kaya kano yung mga magulang nya? Don't get me wrong guys. What i mean is, yung aura nya ay hindi ko makikita na may lahing kano sya. Pero sa lalaking kasama nya ay halatang may lahi talagang Amerikano.

Napaka misteryosa mong tao talaga Megan. Bagay na bagay kayo ni Eren. Parehas kayong mapagtago sa sarili nyong pag katao.

Jai's POV

"Hala binalaan na si Mich!" pananakot ko kay Mich. Umiwas lang ng tingin si Mich. Mukha na nga syang maiiyak.

"Manahimik ka nga dyan isip bata!" inis na sambit ni Justin. Isa pa to. Binabalaan ko lang si Mich.

Mukhang natatakot na din sya kay Megan. Nag tataka nga ako kung bakit ganun yung mga itsura ng mga mukha nilang lahat. Parang naubusan na sila ng dugo? Ang pu-putla ng mga mukha nila.

Baka kailangan na nila ng dugo? Tsk.

"Justin, gusto mo bang mag donate ako ng dugo?" tanong ko habang naka halumbaba sa mahabang lamesa. Kumunot yung noo nya. Umupo sya sa harapan ko. Si pareng Tyler naman ay kumakain lang ng mansanas.

"Bakit ka naman mag do-donate ng dugo?" naka kunot yung noo nya. Nag buntong hininga ako. Hindi nya pa rin ba nakukuha yung point ko? Ang hina talaga ng kukote ng lalaking to.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now