Zombie 15

10.3K 394 26
                                    


Zombie 15: What's that?!

3 days after.....

Megan's POV

Tatlong araw na ang nakalipas ay wala pa rin kaming nakukuhang clue ni kuya tungkol sa master mind. Chi-nect na din namin yung mga dugo ng tao ng buong city para malaman kung may na-infect ba o hindi. Pero wala naman na infect. Kaya nag tataka kami kung bakit yung taong naka salubong ko ay na-infect ng virus.

Pinabalita namin ito kay Heneral Crisostomo, ang kataas-taasang heneral ng arm forces of the Philippines'​. Pati na rin kay Tito Louis. Kaya humigpit ang seguridad ng Pilipinas. Lahat ng mga bata ay pina pa-check-up ng libre sa eskwelahan nila. Yung mga matatanda naman ay pinapadala sa kanilang mga barangay at doon magaganap ang medical mission ng mga nag papangap ng doctor. Pero ang totoo ay mga scientist talaga sila.

Natutuwa pa nga yung mga tao dahil sa wakas hindi na sila mahihirapan na mag bawas ng kanilang mga pera sa kanilang bulsa.

Lahat din ng area na pwedeng pag babaan o pwedeng palabasan ng eroplano ay binabantayan ng mga sundalo. Para kapag may nakapasok man sa loob ng bansa o may mag tangkang lumabas ng bansa ay pwede nilang parusahan.

Yung mga galing sa ibang bansa ay papatayin nila. Ang mahalaga ay walang makakaalam sa mga nangyayari sa labas. Ginagawa din nila yun dahil baka na-infect na yung taong naka pasok sa dito. Kaya pinapatay na nila.

Mahigpit nga ang seguridad ng paligid pero parang may kulang pa rin. Parang kulang yung gawa ng pag babantay nila sa Pilipinas.

Parang may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko malaman. Parang palaging may nakatingin sa lahat ng ginagawa ko. Sa lahat ng kilos ko ay parang may nag mamasid.

Kaya kailangan ko ng mag ingat sa lahat ng galaw ko. Baka may makahalata o may maka alam na nandito naka stay ang zombie hunter na kalaban nila. His or her worst enemy.

Napagdesisyunan namin ni kuya na mag dala na ng armas sa school o sa kahit saan man kami pumunta para kapag nagkaroon na ng delubyo ay handa kami.

Tatlong araw na ang nakalipas ng maayos na ang main building ng school. Ko-konti nalang ang pumapasok dahil natatakot na silang pumunta dito sa school. Mukhang na trauma sila sa nangyari---i mean sa ginawa ko.

Good to say na hindi na nila ako binu-bully.

---

Habang nakikinig ako sa lesson ng teacher ay naramdaman kong may nakatingin sa akin.

Pasimple kong tiningnan yung mga classmates kong tahimik na nakikinig sa klase para malaman ko kung may nag mamasid man sa akin o wala.

Kumunot yung noo ko. Tama nga ang instincts ko. May naka tingin sa akin.

Si Eren.

Simula nung mangyari yung sorpresa ko sa kanila ay pansin kong lagi syang naka masid sa akin. Ang alam ko pumapasok sya sa oras ng klase pero natutulog naman. Pero nag bago yata ang ihip ng hangin ngayon. Lagi syang gising. Kesa sa teacher sya naka tingin eh saakin pa nakatutok yung mga mata nya. Mabuti nga at hindi sya napapansin ng mga subject teachers namin.

Parang lagi nyang minamatyagan yung bawat galaw ko sa school. Hindi kaya nahahalata na nya na naka disguise lang ako? Umiling iling ako. Imposible.

"Ms. Stainsfield, are you with us?" naputol ako sa pag iisip ng mag salita ang prop namin.

"Ma'am?" naka kunot ko'ng tanong. Tumaas yung kanang kilay nya.

"Hindi ka nakikinig sa lesson ko ngayon. Siguro nga sa sobrang lalim ng pag de-day dream mo eh nakalimutan mo na nasa kalagitnaan ka ng pag ka-klase. Mas magandang ituloy mo na lang yan sa detention room, ngayon din." inis nyang saad.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now