Zombie 13 part 2

9.5K 417 35
                                    


Continuation.....

Bumalik ako sa ulirat ng makita ko yung kakaibang tingin ni bunso. Kailangan ko na syang tawaging bunso kahit na ninibago ako. Baka bigla ako nitong baralin kapag hindi ko sya natawag ng bunso.

"Bakit ganyan ka makatingin?" nag tataka kong tanong sa kanya. Nakaka kilabot kasi yung binibigay nyang titig sa akin. Isama mo pa yung ngising naka paskil sa labi nya.

"Tomorrow at the school." sabi nya na hindi ma wala-wala yung ngisi sa labi nya. Tch. Kahit lalaki ako ay nakakaramdam pa rin ako ng takot sa babaeng to. Iba pa naman ang kamandag ng babaeng to kapag galit.

Nakakainsulto mang pakinggan pero masama syang tao. Nagi-ging masama sya kapag ginagalit mo sya. May lahi kaya yang demonyo​. Demonyo na naging tao. Mukhang anghel pero may tinatagong kadiliman sa kanyang pagkatao. Lalo na kapag makiki pag patayan sya sa mga zombies. Doon mo na talaga makikita ang tunay ng ugali nya.

"Pwede mo ba akong tulungan sa magiging sorpresa ko para sa mga matatalik ko'ng kaibigan, kuya?" nakaka kilabot nyang tanong. Mariin akong napa lunok.  Nakaka taas ng balahibo yung boses nya. P*ta gusto ko ng lumabas ng kwarto nya.

"A-ano bang s-sopresa y-y-yun?" kinakabahan ko'ng tanong sa kanya. Nagulat ako ng may nilabas syang dagger mula sa loob ng jacket nya.

Pinaikot ikot nya pa yun habang may ngising nakaka kilabot na ngising naka paskil sa labi nya.

"Tomorrow will be fun, kuya. And I'm sure na matutuwa ka din bukas. Baka nga maging memorable pa sa'yo ang mangyayari bukas sa school." saad nya habang patuloy sa pag laro ng dagger. Pasimple ko'ng pinunas yung namumuong pawis sa noo ko at parang tangang ngumiti.

T*ngina, nakakatakot yung kapatid ni Derrick.  Dahan-dahan syang humigang patagilid na naka harap sa akin.

"Makikipag laro ako sa kanila bukas, kuya. How about you, kuya? Diba sasali ka din din sa laro namin?" parang batang saad nya habang nilalaro pa rin yung dagger.

Fuck! Bumalik na naman sa dating Megan ang nakilala ko. Parang mas malala pa ngayon. Sa ginawa nilang pang bu-bully kay bunso ay lumalabas ang tunay na anyo nya.

Bago ako mag salita ay tumalikod muna ako sa kanya. Pumikit ako at nag sign of the cross.

Please Lord, wag nyo muna akong kunin. Ayoko pa pong makita si kamatayan. Lord, wag nyo pong hayaan na may sumanib muling masamang elemento​ kay Megan, Amen.

Naramdaman kong nag sitaasan yung balahibo ko ng marinig ko yung malademonyong tawa nya. Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

Nanlaki yung mga mata ko ng nasa likod ko na pala sya. Malapit sya sa akin at may nakakatakot na ngiting naka paskil sa labi nya.

Tumalikod ulit ako at nanginginig na ipinagdikit yung dalawa kong palad para mag mag dasal ng pananampalataya.

L-l-lord ma-maaawa po k-kayo s-sa akin. L-lord t-t-tulungan nyo po ako---- napahinto ako sa pag da-dasal ng maramdaman ko yung dalawa nyang braso na yumakap sa leeg ko.

"Natatakot ka ba sa akin, kuya ko?" parang batang tanong nya.

"H-hindi bunso. S-sige ba! Sasali a-ako sa laro nyo bukas! Baka nga maging m-memorable y-yun para sa akin..." nauutal ko'ng sambit. Naranig ko'ng ngumisi sya.

"Good to hear that." bulong nya sa tenga ko. Nagulat ako ng malakas nya akong tinulak. Kaya napa higa ako sa lapag.

Shit, ang lakas nya talaga.

***

Comment.Vote.Follow

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now