Zombie 18 part 3

9.7K 399 5
                                    


Continuation....

Hallway

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng makita ko si Eren. Napahinto din sya sa paglalakad at gulat akong tinignan. Kumunot yung noo nya at pinasadahan ako ng tingin. Ibinukas nya yung bibig nya pero agad nya iyon sinara. Parang may gusto syang sabihin sa akin, pero hindi nya masabi​ ng diretso sa akin.

Nag buntong hininga ako at nilagpasan sya. Ayoko syang makita. Dahil naalala ko yung sinabi ko nung huli naming pag kikita.

Nag tataka ako dahil bakit nasabi ko na may tiwala ako sa kanya. Like what the fuck? Hindi ko sya kilala ng buo kaya bakit magkakaroon ako ng tiwala sa lalaking yun? Atsaka para saan ba yung tiwala na sinasabi nya?

Tch. Nevermind.

"Sino yun hmm." nang-aaasar na tanong ni kuya at sinundot-sundot yung gilid ng tyan ko. Asar ko'ng tinabig yung kamay nya.

"Manahimik ka nga, kuya. Hindi ngayon ang oras para makipag kwentuhan na wala namang kakwenta-kwenta." malamig kong sambit.

Huminto kami sa malaking kusina. Dahan-dahan akong nag lakad at huminto. Nilibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng kusina. May dalawang babae na kumakain sa mahabang lamesa at may lalaking nag huhugas ng mga pinggan sa lababo.

Nanlaki yung mata ng babae ng makita kami. Tumayo sya at takot na takot akong tinignan pati na din si kuya.

"S-sino kayo?!" natatakot nyang sabi at tinuro kami ni kuya. Pati yung babaeng kumakain ay napatayo dahil sa gulat. Yung lalaki naman ay nabitawan nya pa yung babasaging pinggan kaya naka likha sya ng ingay, dahil sa nabasag na pinggan.

Ang O-OA talaga ng mga tao ngayon. Nakakairita.

"Wag kang mag alala, Janna. Hindi sya infected. Kaya wag kang matakot sa kanya." napa lingon ako sa likuran ko at nakita ko silang lahat. Sinusundan nila kami? Bahala sila.

Lumapit ako sa mahabang lamesa at doon ko nilapag yung bag at baril ko. Lumapit ako sa lababo.

"Tabi!" inis ko'ng sabi sa lalaki. Napalunok sya at nanginginig na napaatras.

"Kapagod naman." parang batang sabi ni kuya. Kita ng pheriperal vision ko na naka titig sila sa akin. Hindi ba sila mapapagod sa kakatingin sa akin?

Kapag ako naiinis babarilin ko na talaga yung mga mata nila para wala na silang makita. Ayoko sa lahat yung tinitignan ako.

Sino ba naman ang maiinis eh yung pag tingin nila sa'yo ay pandidiri? Pero mas nandidiri akong tignan sila.

I hate their fucking attitides for petes sake.

Nag puno ako ng maraming tubig sa dalawang palad ko at binuhos iyon sa magaspang ko'ng mukha.

"Tabi! Tabi sabi eh--Morrie?! Buhay ka nga!" napa pikit ako ng mariin.

Nakakabinging boses nya palang ay kilalang kilala ko na. Nang pag kaharap ko ay tama nga yung hinala ko.

Si Patricia.

"Oh my gosh! Your truly alive nga!" natutuwa nyang sabi at akmang lalapitan ako ng mapahinto sya.

Kumunot yung noo nya at tinignan yung itsura ko.

"What happened to you, girl? Ang dirty mo at ang b-baho mo pa.." sabi nya na naka ngiwi at tinakpan yung ilong nya. Lumapit si Nina sa akin.

"Kailangan mo ng maligo at yung kasama mo din Morrie. Ang dudumi nyo. May extra damit doon." naka ngiti sambit ni Nina. Hindi ako nag salita at tinignan si kuya. Napataas yung kanang kilay ko.

Naka upo sya at busy-ing-busy sa kinakain nyang pagkain. Lumapit ako sa kanya at pinalo ko yung kamay nya.

"Ouch! Bakit mo naman yun ginawa bunso?" naka nguso nyang tanong habang hinihimas yung kamay nyang pinalo ko.

"Mamaya na yan. Maligo ka muna bago ka kumain. Nakakadiri ka." inis ko'ng sambit. Ang dumi-dumi nya tapos kakain sya gamit lang yung mga kamay nya? He's so disgusting as hell.

Mag po-protesta na dapat sya ng hilahin ko na sya patayo. Hindi na sya umangal at naka ngusong nag pahila nalang sa akin.

Mag lalakad na dapat kami paalis ng may mag salita na ikinatigil ko.

"Buhay pa pala ang isang ugly duckling? Hahaha! Siguro, zombie ka na talaga. Mukha palang alam na ang sagot." tumatawa nyang sambit.

Kasama na don ang tawanan ng mga tao. Napangisi nalang ako. End of the world na nga tapos nagawa pa nilang manlait ng tao? Ganyan ba talaga ka gaspang ang mga ugali na meron sila?

Mukhang narinig yun ni kuya dahil nag tiim bagang sya at masamang tumingin kay Mich. Kumuyom yung kamao nya at dapat susugurin si Mich ng pigilan ko sya.

"I can handle this, kuya. Trust me." ani ko at tinalikuran si kuya. Dahan-dahan​ akong lumapit kay Mich at malamig syang tiningnan sa mata.

"Sumusobra ka na Mich Villanueva. Pasalamat ka dahil nakakapagtimpi pa ako sa walang ka kwenta-kwenta mong ugali. Mark my words." seryoso kong syang tinignan.

"You don't know me." mahinahon pero nakakakilabot na tono ng boses ang lumabas galing sa bibig ko.

Napa lunok sya at namutla yung mukha. Ngumisi ako at kinuha yung baril ko sa lamesa. Pinaglaruan ko yun sa harapan ng mukha nya.

"Simula ngayon, inaamin ko na isa akong imposturang tao. Nag papangap lang ako na isa akong ka awang awang babae sa paningin nyo. But not anymore." ngising saad ko habang patuloy sa pag laro ng baril. Nanlaki yung mga mata nila at bakas sa mga mukha nila ang pag ka gulat.

"W-what do you mean, M-morrie? Na naka d-disguise ka lang? Na hindi talaga ganyan ang i-itsura mo?" gulat na naguguluhan na tanong ni Nina na nasa likuran ko.

Pagak akong natawa ng nakakatakot at pinasadahan sila ng tingin. Pero napako yung tingin ko kay Eren na kasama yung mga kaibigan nya.

Naka kunot yung noo nya at parang naguguluhan sa sinasabi ko. Ngumisi ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Tumingin ako kay Mich na ang putla-putla na ng mukha. Kinasa ko yung baril ko at walang emosyon ko syang tinignan.

"Nag papangap lang ako sa harapan nyong lahat. Hindi talaga ako ito, dahil ako si Megan Stainsfield."

"Megan Stainsfield... " rinig kong bulong ni Nina.

"Kaya mag ingat kayo sa mga binabatong nyong salita galing sa akin. Baka magulat nalang kayo nasa harap nyo na pala ang isang masamang tao." malamig kong saad.

Muling napalunok si Mich. Kitang kita yung panginginig ng kamay at tuhod nya.

"Masyado mo naman silang tinakot, bunso. Pati din ako kinikilabutan sa mga sinasabi mo." bulong ni kuya sa akin. Kunwari akong nagulat sa sinabi nya.

"Nagulat ko ba sila?" yung gulat ko ay napalitan ng seryoso.

"Pwes, hindi ko na kasalanan kung matakot sila sa akin." seryoso ko'ng sambit. Napa lunok sya at umiwas ng tingin.

Ngumiti ako ng matamis at tumingin kay Nina na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa kawalan.

"Nina, pwede mo ba kaming i-guide kung saan papunta yung tinutukoy mong kwarto?" naka ngiti kong tanong. Agad syang tumango at nanginginig na sinenyasan kami na sundan sya.






Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon