Zombie 10

10K 411 14
                                    

Zombie 10: Hate him

Hallway

Megan's POV

Lunch break na at hinihintay ko si C sa harapan ng classroom ko. Hintayin ko daw sya dito kapag lunchbreak na. Pero malapit ng matapos ang lunchbreak at nagugutom na talaga ako. Inaya pa nga ako ni Patricia, Nina at Yvonne na makisabay sa kanila na kumain sa cafeteria. Pero tumanggi ako dahil may usapan kami ni C.

Para malibang ako ay nakinig nalang ako ng music sa earphones ko. Pinilit kong malibang kahit na naiinip na ako sa kakahintay kay C. Ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako.

Kahit na pansin na pansin ko yung mga tingin ng mga estudyante sa akin ay hindi ko pinansin. Gutom ako kaya wala akong panahon na makipag titigan sa kanila.

Para na nga akong artist dito. Bawat estudyante na dumadaan ay napapatingin sa aking direksyon. Pero hindi ako artista sa mga tingin nila. Isang halimaw. Para akong halimaw na naligaw at napunta sa magandang lugar.

Yung tingin na nandidiri? yung naaasar kapag nakikita ang mukha mo? yung napapangitan sa'yo?

Maganda nga na nag disguise ako. Para alam ko kung sino talaga ang totoong pangit at ang totong nakakadiri. Pero paano kaya kung hindi ako nag disguise at alam nila ang totoo kong itsura? huhusgahan pa rin ba nila ako?

Napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong kumolo. Shit, nagugutom na talaga ako. Nasan kana ba talaga C?

Nag buntong hininga ako. Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko kay C. Ayokong mapalapit sa kanya. Pero sya ay lapit ng lapit sa akin. Kahit tutukan ko na ng baril ay hindi pa rin lumalayo sa akin. Lalo pa ngang lumalapit sa akin. Hindi sa ayaw ko sa kanya. May dahilan din ako kung bakit ayaw ko sa kanya.

Mahigit limang minuto na ang nakakalipas pero wala paring dumadating na C. Talagang pinag antay ako sa wala. Mag lalakad na dapat ako ng makita ko na sya. Lumapit syang hinihingal. Pinunasan nya yung pawis sa noo nya at naka ngiting tumingin sa akin.

"Pasensya na Megan. Natagalan ako kasi inaya ako ng mga bago kong kaibigan na kumain sa cafeteria. Syempre pumayag ako kasi nakakahiya kung tumanggi ako sa kanila diba? teka kanina ka pa ba nag hihintay dito? gusto mo samahan nalang kitang pumunta sa cafeteria, pero hindi na ako kakain dahil naka kain na ako" mahabang lintaya nya. Pero ni hi o hello ay walang lumabas sa bibig ko. Nakaka tuwa dahil mabuti kung may kaibigan na sya. Ako kasi walang lumalapit sa akin dahil nandidiri sila sa akin.

At pinaghintay nya pa ako kung naka kain na pala sya? Masaya syang kumakakain kasabay yung mga bago nyang kaibigan, samantalang ako ay hindi pumayag sa alok ng mga classmates ko dahil alam kong may kasabay na akong kumain. Pero ako lang pala tong mag hihintay. Alam ko'ng OA para sa inyo, pero para sa akin hindi.

"So kasalanan ko pa kung bakit ka na late?. Next time, C wag mo kong pag hintayin sa isang lugar na mag mumukha akong tanga. Sabihin mo nalang sa akin kung talaga ka bang pupunta o hindi. Hindi yung ganito. Nag mumukha akong poste sa gilid ng hallway" malamig kong sabi sa kanya at nag walkout.  

Hindi nya ba na isip na may inaya na syang tao? nakalimutan nya ba na may mag hihintay sa kanya? mas mahalaga ba yung mga bago nyang nakilala kesa sa akin? ganon ba ako sa kanya? hindi mahalaga?

Gusto ko'ng maiyak pero hindi ko magawa. Pero kahit na walang lumalabas na luha sa mga mata ko ay ramdam ko ang sakit at lungkot na bumabalot sa puso at pag katao ko.

Alam kong pinipilit ni C na mapalapit sa akin. Pero hindi ko talaga magawa na tanggapin sya sa buhay ko. Kahit ni minsan hindi ko na iyon nagawa nu'ng nawala na si Kuya.

Natatakot ako na kapag napalapit na yung loob ko kay C ay bigla nalang nya akong iwan tulad ng ginawa sa akin ni Kuya.  Natatakot ako para kay C. Natatakot ako na maiwan ulit.

Pero nakakalipas na mga araw ay gumagaan na ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Handa na akong tanggapin sya na maging----- kaso nadismaya ako sa ginawa nya sakin.

"Couz!! hey! I'm sorry dahil pinag hintay kita!" habol nya sa akin. Hindi ko pa rin sya nililingon at patuloy pa rin sa pag lakad. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Kusa nalang gumagalaw yung dalawa kong paa.

Habang hinahabol ako ni C ay rinig ko yung mga bulungan ng mga taong napapatingin sa aming direksyon. Pati rin sila Patricia, Yvonne at Nina ay napahinto sa paglalakad at napatingin sa amin ni C.

"Mag pinsan sila?"

"Oh my gosh! imposible na mag pinsan sila"

"Yes, tama ka girl. Sa mukha palang alam na ang sagot"

"Baka ampon yung girl sa pamilya nila?"

"Hahaha! you're right. Mukhang halimaw yan eh"

Yeah~ yeah~ Mag salita lang kayo dyan at magugulat na lang kayo na putol na pala yung mga dila nyong lahat.

"Couz--"

"Please​ stop!!!" pag putol ko sa kanya. Inis akong humarap sa kanya. Lalapit na dapat sya sa akin ng itinaas ko yung isa kong kamay na nag sasabing wag syang lumapit sa akin. Hindi sya lumapit at malungkot na tumingin sa akin.

"I don't like you and i don't want to be your cousin, so get lost" walang emosyon kong sabi sakanya. Napaawang ng kaunti yung bibig nya at kita ko ang sakit sa kulay asul nyang mga mata. Mukhang nasaktan sya sa binitawan kong salita pero hindi ko na iyon pinansin. Kasi sa sitwasyong nangyayari ay ako yung nasasaktan dito at hindi sya.

Wala syang alam tungkol sa pag katao ko. Wala. Dahil ang alam nya lang ay matapang at magaling akong pumatay ng zombies.

I'm sorry Colbie for making this hard to you. God knows, na gustong gusto ko'ng maging parte ka ng buhay ko. But I'm scared. Natatakot ako sa mangyayari one of these days.

*****

Nag sisimula na ang klase pero nandito pa rin ako sa garden ng school at hindi pumapasok sa klase. Napadpad lang ako dito nung palakad-lakad ako.

Pinapanood ko lang kung paano bumagsak yung mga dahon sa damuhan. Ngumiti ako ng malungkot at tumingin sa kulay asul na kalangitan.

Balang araw masisira din kayo.

Nag buntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng bench. Pansin ko na matagal na pala akong hindi umiiyak. Ang huling iyak ko nun hmmmm....one year? nung araw nung mawala si kuya ay hindi na ako umiyak. Basta isang araw nag bago nalang yung sistemag katawan ko. Parang hindi na nga ako ito eh.

Akala ko iiyak ako sa ginawa ni C. Pero hindi. Hindi ko pa rin mailabas yung nag tatagong lungkot na nasa puso ko. 

Pusong bato na ba ako? Zombie na ba ako na hindi ko lang napapansin? o talagang halimaw nga ako tulad ng mga sinasabi ng mga tao?

Umiling ako. Ano ba tong naiisip mo Megan. Dapat hindi mo to iniisip.

Tumayo ako sa bench at nag simula ng mag lakad papunta sa susunod kong klase. Habang nag lalakad ako ay binasa ko yung schedule paper ko.

TLE na pala ang subject ko ngayon.

*****

Vote.Comment you're reaction, Hunters.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon