Zombie 8

11.7K 444 35
                                    

Zombie 8: New Home

PHILIPPINES

Patricia Salazar POV

New's TV

| Patuloy pa rin sa pag ra-rally ang mga nais maging OFW sa ibang bansa. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nag pa palabas ang gobyerno ay dahil--|

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng news ng ino-off ko na yung Tv. Ganon pa rin ang maririnig ko mula sa kanila. Walang pinagbago.

"Oh bakit mo pinatay yung Tv?" tanong ni Yvonne na nasa kabilang upuan. Si Yvonne, ang ate ko. Pero tinatawag ko syang Yvonne. Ayoko syang tawaging ate. It's ewww to me~!

Isang taon lang naman ang pagitan namin kaya ok lang na tawagin ko sya sa pangalan nya.

"Yvonne, hindi ka ba nag tataka?" tanong ko kay Yvonne na nag nabasa ng Magazine. Kunot noo syang tumingin sa akin at binalik ulit yung tingin sa magazine.

"Nag tataka?" nag buntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng sofa.

"Mahigit isang taon ng hindi pinapalabas ng gobyerno yung mga gustong mag trabaho sa ibang bansa. Pati rin sila mommy at daddy, hindi na naka punta sa Hawaii" sabi ko.

"Diba nga may kumakalat na sakit daw" sabi naman nya habang nakatingin pa rin ng daretso sa magazine.

May katapusan pa ba yung sakit na sinasabi nila? ang tagal na nun. Wala ba silang maibento na gamot or something na pwedeng ika-wala ng kung anong sakit na yan?

Pero may nababasa akong rumors sa social media na may zombies daw sa ibang bansa kaya hindi nag papalabas ang gobyerno. Totoo kaya yun?

Umiling-iling ako sa naiisip ko. Napaka Imposibleng mangyari yun. Sa mga movies lang nag kaka totoo nun. Hindi naman ganun ang paliwanag ng presidente sa news eh.

Sino namang mag iisip na gagawa ng ganun? Kung nag karoon man ng Apocalypes edi sana kumalat na din dito, diba?



Megan's POV

NAIA Terminal

10:46 am na kaming nakarating sa NAIA ni C. May kasama pa kaming mga sundalo ng Amerika na bumabantay sa amin.

Nakaka pag taka dahil tanging kami lang ang tao sa loob ng NAIA, bukod sa mga sundalo na naka paligid sa amin. Talagang hindi na sila nag papalabas.

"Hoy Megan! tulungan mo naman akong mag buhat ng mga bagahe!" rinig kong sigaw ni C na nasa likod ko.

Tinanggal ko yung lollipop na nasa loob ng bibig ko at tumingin sa kanya. Mukhang nahihirapan na nga syang dalhin yung mga gamit nya---i mean mga gamit pala namin ang dala nya.

"You can do it. I'm tired" bored ko'ng sabi.

"Tired? seriously Megan?! Eh wala ka ngang kadala-dala, except sa lollipop na hawak mo!" inis nyang sabi. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sinisigawan mo ba ako Colbie Bartolome?" naka taas ko'ng kilay. Umismid sya at umiwas ng tingin.

"S-sumisigaw ba a-ako? hindi k-kaya" nauutal nyang sabi. Ngumisi ako sabay subo ng lollipop sa bibig. Tumalikod ako sa kanya at taas noong nag lakad.

-----

Napa pikit ako ng sumalubong sa amin ang nakakasilaw na liwanag galing sa labas. Maaga palang, pero sobrang init na. Ganto ba talaga sa Pilipinas? Ang init ng klima nila. Naninibago tuloy ako.

Kinuha ko yung sunglasses ko'ng naka sabit sa kwelyo ng polo ko at isinuot.

Sinenyasan kami ng sundalo na sundan sila papunta sa sasakyan namin. Hindi pa kami nakaka layo sa exit ng NAIA ay naliligo na kami sa sarili naming mga pawis. Ganon din si C na namumula pa ang mukha at basang basa na yung tshirt nya.

Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. Konti nga lang.

Huminto ako sa pag lalakad. Naka kunot na huminto din si C, at nag tatakang tiningnan ako.

"May problema?" tanong nya. Hindi ako sumagot. I snap my finger at maya-maya ay may lumapit sa aking sundalo.

"May problema po ba Ms. Stainsfield?" tanong ng sundalo.

"Kunin mo yung mga dalang bagahe ni Colbie Bartolome at dalhin mo sa kotse namin" malamig kong utos na hindi naka tingin sa sundalo. Narinig kong napa ubo yung sundalo sa nasabi ko.

"Ma'am, isa po akong sundalo hindi katulong" ismid nyang sabi. Hindi nya sinunod yung utos ko?

Nag buntong hininga ako. Nag bunot ako ng baril sa bewang ko. Kinasa ko yun at tinutok sa ulo ng sundalo. Nakatutok yung baril ko sa sundalo pero naka tutok yung mata ko kay kuya na gulat na gulat ang ekspresyon. Mula sa pheriperal vision ko ay nanlaki yung mga mata ng sundalo sa ginawa ko at ganun din yung mga kasama nya.

Itataas na dapat nila yung mga baril nila at itutok sa akin ng mag salita ako ng ikatigil nilang lahat. "Akala ko ba kilala nyo na ako? Mukhang hindi pa pala" sabi ko at ngumisi.

"Megan, put that gun now" mariin na utos sa akin ni C, pero ramdam ko din na natatakot sya sa ginagawa ko. Hindi ko pa rin binaba yung baril. Nakakatuwa pala na makita silang natatakot sa akin.

"I'm not fvcking afraid to all of you, no matter if you are soldiers or freaking what. Hindi lang mga zombies yung mga pinapatay ko. Pwede din yung mga taong may isip pa. Pwede kong basabasan yung mga tao gamit yung bala ko. Gusto nyong ma-try?" ngisi kong tanong sa kanilang lahat. Bigla silang namutla at mukhang natakot sa sinabi ko.

"H-hindi p-po Ma'am" nauutal nilang sabi at mabilis na binaba yung mga baril nila. Ngumiti ako ng matamis at binaba yung baril.

"Good" sabi ko at nag lakad na naka ngiti na para bang walang nangyari.

*sigh* Nandito na ako sa Pilipinas kaya kailangan ko ng mag panggap bilang nerd. Tsss..nerd.

I will miss the real me. I will miss the rude of me. The hurtless me. The merciless me. Mamimiss ko lahat ng yun. Lalo na ang pag patay sa mga pangit.

Kailangan ko ng mag panggap na mahina sa harapan ng mga tao. Kailangan ko ng itago yung katapangan ko. Pero kahit ganon, ay magagawa ko na ulit yung dati kong gawain.

Papasok sa eskwelahan at mag aaral. Uuwi at hindi gagawa ng homeworks, tanging mag lalaro lang video games sa loob ng kwarto mo. Miss ko na yun. Kaso may kulang. Kulang na hindi na muling maiiba balik pa sa buhay ko.

****

"Naayos mo na ba yung mga gamit mo sa kwarto mo?" tanong sa akin ni C habang nag pupunas sya ng pawis sa noo nya.

"Yup" walang gana ko'ng sabi habang nag lalaro sa PSP na bigay sa akin ni Tito.

Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na naka tira lang kami sa simpleng bahay? Yeah naka tira nga kami sa hindi kalakihang bahay. Basta, simple lang sya na kasya kaming dalawa ni C.

Gusto ni Tito na tumira kami sa malaking bahay, but i doubt about that. Naka tira nga kami sa malaking bahay, pero kami-kami lang ang titira doon? Wag nalang. Mas gugustuhin ko pang tumira sa maliit na bahay at makasama yung mga daga.

"Tomorrow will be our first day of school. Handa ka na bang pumasok?" tanong nya.

"Ready. But im too lazy" isa pa yun. End of the world na nga tapos kailangan pang mag aral? Like what the F? Tch.



Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon