Zombie 6

12.3K 463 19
                                    

Megan's POV

"Ano yung laman nung itim na kahon na nasa likod?" tanong ni C (Colbie) habang nag mamaneho. Syempre, sya ang mag mamaneho ng kotse. Sya yung may alam kung saan papunta ng mainbase ni Tito Louis.

Malayo-layo na din ang narating namin ni C. Halos tatlong oras na ang nakakalipas at nasa gitna pa rin kami ng byahe. Mapuno ang daan at ko-konti lang ang bahay na nakikita ko sa tabing kalsada.

Wala akong makitang bakas na zombies sa paligid. Hindi tulad kanina na nakikipag habulan pa kami sa mga zombies.

"It's none of your business, C." malamig kong sabi na hindi sya tinitignan kundi sa bintana lang ng kotse.

"Sorry." sabi nya at hindi na nag salita pa.

Gusto kong maging guilty sa klaseng pakikitungo ko kay C. Nagiging rude na ako sa sarili kong kadugo. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako sa kanya.

Kahit ako napapansin ko na rin na hindi na ako nagiging palangiti o nagiging masaya kahit konting-konti lang. Palagi nalang ang nasa isip ko ay yung pumatay.

Nag buntong hininga ako. Simula nung mawala si kuya ay naging marahas na yung pag ka-tao ko. Lagi akong nagagalit kapag nakakakita ako ng zombies. Dahil sa tuwing nakakakita ako ang mga yun ay naaalala ko kung paano nila pinatay ang kuya ko. Sila ang dahilan kung bakit nawala si kuya.

Kaya lahat ng galit ko ay binubuhos ko sa pag patay ng mga zombies. Wala akong pakialam kung mamatay man ako o hindi. Basta ang mahalaga ay mawala sila sa paningin ko na parang bula.

Colbie's POV

Naisip ko na maging tahimik nalang sa buong byahe. Pakiramdam ko kasi may malaking problema sya kaya hindi ko dapat sya istorbohin.

But I'm thankful na nakita ko na sya. Matutuwa si Dad kapag nalaman nya na kasama ko na si Megan.

Pasimple akong tumingin kay Megan at binalik ang tingin sa kalsada. Mas maganda pala sya sa personal. Kamukhang kamukha nya si Tita Mary (Mama ni Megan). Nakuha nya pa yung blue eyes  kay Tito Cipriano (Papa ni Megan). Ang ganda talaga ng lahi ng family nila. Walang kupas.

Nag buntong hininga ako at napahawak ng mahigpit sa manibela.

Papayag kaya sya sa ibibigay ni dad na mission para sa kanya?

Megan's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong tumatapik sa braso ko.

"Hey Megan, wake up." what's that voice? Kailan pa natutong mag salita ang mga zombies?

*Poke*

*Poke*

"Megan where here. Wake up." SHOOT!  Nang pag dilat ng mga mata ko ay nakita ko si C na naka ngiting naka tingin sa akin.

"We're here." naka ngiti nyang sabi. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid.

Maraming mga bahay at pare-pareho ang mga  itsura nila. Pero sa dulo ng mga bahay na yun ay may malaking gymnasium. Siguro ayun ang main base nila.

Maraming mga tao ang nasa paligid na akala mo'y nasa palengke ka. Pero ang pinag kaiba nun ay mga bahay lang at may gulay na naka tanim sa malaking lote.

Napa ngiti ako ng mapatingin sa mga batang nag lalaro sa gilid ng kalsada. Ang saya nila. Mabuti pa sila. Mukhang wala silang mga problema sa buhay.

Nalipat naman yung tingin ko sa mga sundalo na nag jo-jogging. Tanging naka soldier pants lang sila at walang pang-itaas. Kitang kita yung matitikas nilang mga katawan, kaya malaya silang minamanyakan ng mga dalagita.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now