Zombie 24

9K 330 22
                                    


Zombie 24: Training

Megan's​ POV

"Isa pa"

*Bang*

"Isa pa"

*Bang*

"Isa pa"

*Bang*

"*yawn* Isa pa"

*Bang*

Napahilot ako sa sintido ko at napailing-iling. Limang oras nalang kaming ganito. Mukhang hindi na matatapos to.

"Patricia listen carefully.. Always keep the muzzle pointed in a safe direction and be sure of your target and everything that is downrange" bagot ko'ng saad. Hayysst....sa kanilang mag kakaibigan ay si Patricia lang ang pinaka mahirap turuan. Para hindi ako nahirapan na turuan sila ay mag hati kami ni kuya. Tuturuan ko sila Patricia Nina at Yvonne. Si kuya naman ay sa mga boys.

About sa mga boys ay nasanay na sa pag hawak ng baril. Gusto nila yun dahil madali lang daw gamitin. Si Yvonne naman ay palaso at pana. Si Nina naman ay mga patalim tulad ng palakol, dagger at maramim pang iba. Pero ngayon ay gamit nya ay baseball bat na may maraming pako sa ulunan ng baseball bat.

Si Patricia *sigh* hindi ko alam. Ok na daw sya sa baril, pero para sa akin ay hindi. Ghad! limang oras ko na syang tinuturuan pero hindi nya parin makuha.

Huminga sya ng malalim at kinasa yung baril. Tinutok nya iyon sa latang naka lapag sa mahabang kahoy. Pero bago nya pa kalabitin yung gatilyo ay nag salita ako.

"Sandali lang" aniya ko at lumapit sa kanya. Pumwesto ako sa likod nya at hinawakan yung dalawang kamay nyang nakahawak sa baril.

"Isipin mo lang na yung latang yun ay si Mich. Isa syang zombie na kailangan mong barilin" malamig kong bulong. Eh sa naisip ko yung babaeng yun eh. Naramdaman ko ang paghigpit nya ng hawak sa baril sabay kalabit ng gatilyo.

*Bang*

Ngumisi ako ng matamaan nya na yung lata. Tinapik ko yung braso nya habang sya naman ay tulalang binaba yung baril habang nakatingin parin sa latang nasa lupa na.

"Bulls eye" ngising sabi ko sa kanya at umalis na.

Yvonne's POV

Napailing nalang ako ng makita ko si Patricia habang nag pa-practice na humawak ng baril.  Binalik ko yung tingin ko sa hawak kong palaso at pana.

Nandito kami sa likod ng bahay nila Megan. Malaki naman yung bakod nila kaya nag kasya kami. Hindi naman ako nangangamba na baka may sumugod ditong zombies dahil nakakarinig sila ng putok ng baril galing dito.

Natatakot pa nga sila Jai at yung kapatid ko na baka may sumugod na zombies at sirain yung harang ng bakod. Pero sabi ni Colbie ay wag daw kaming mag aalala dahil kapag humawak yung mga zombies sa pangharang ng bakod ay makukuryente sila.  Talagang handa sila kapag nag karoon ng delubyo dito.

Tumayo ako ng tuwid at tinutok yung pana sa mansanas. Nakatali yung mansanas sa sinulid. Tapos yung sinulid naman ay nakatali sa sanga ng puno.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan na yung pana. Ngumiti ako ng tumama yung pana sa mansanas.

Nina's POV

*BOOGSH*

*BOOGSH*

*BOOGSH*

*BOOGSH*

"That's enough, Nina." seryosong sambit ni Tyler habang nakapamulsa sa pants nya. Lumapit sya sa akin at kinuha yung baseball bat na hawak ko.

What the!? gusto ko pang mag practice! Well, kailangan kong mag sana'y na lumaban gamit yung baseball bat na may pako sa ulunan. Gawa kaya yun ni Tyler.

Hindi ko akalain na kaya nyang gumawa ng ganun. Tapos tinuruan pa ako ni Megan ng martial arts gamit yung mga patalim na gusto kong gamitin.

Pagod akong umupo sa upuan na gawa sa kahoy habang si Tyler naman ay kinuha yung manika na ginawa kong zombies. Halos lamog-lamog na yun dahil sa sobrang lakas ng pag palo ko dun ng baseball bat.

Colbie's POV

Kinasa ko yung baril at tinutok sa red circle. Pinaputok ko yung baril ko at tumama naman iyon sa pinaka gitna. Binaba ko yung baril sa mahabang lamesa at nag hanap naman ng panibagong baril na gagamitin ko.

Habang pumipili ako ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may nakatingin sa akin. Iniangat ko yung ulo ko at nilibot ko yung paningin ko sa paligid.

Pero wala naman akong nakitang may nakatingin sa akin. Halos kanya-kanya sila ng ginagawa. Napadako yung tingin ko kay Megan na walang emosyon habang pinapanood yung mga girls. Haysst... Lagi nalang syang nakasimangot. Namiss ko na yung ngiti nya.

Mga ilang sandali nalang ay aalis na kami. Alam kong hinihintay kami ni dad sa Ilocos.

Justin's POV

Nang matapos na kaming mag practice ay pagod kaming umupo sa damuhan. Hindi pa tapos yung mga girls dahil hindi pa sila pinapayagan ni Megan na huminto. Ewan ko ba. Siguro hindi pa nila masyadong nahahasa sa pag gamit ng armas na gagamitin nila. At mukhang strikta si Megan sakanila.

Nakakatakot nga sya kapag nagagalit sya. Tumataas pa yung balahibo ko kapag nakikita ko yung malamig nyang mga tingin. Good to say nalang at hindi sya madalas tumitingin sa akin. Hindi ko din naman sya nakaka usap dahil napaka tahimik nyang tao. Parang wala sya sa mood kapag tungkol sa kwentuhan ganun?

Nagiging madaldal lang sya kapag kausap nya si Colbie at si Eren. Isa pa yung gagong yun. Naging madaldal na nung nakikilala si Megan.

Ito pa huh. Meron pa akong natuklasan kay Eren nung time na hindi pa nag kakagulo. Yung araw nung first day ni Megan sa campus ay may nakita akong kakaiba kay Eren.

Wag kayong maingay huh? Oo, alam ko'ng gusto nyo ng malaman. Wag kayong excited pwede. Alam ko'ng magugulat kayo sa sasabihin ko at mawe-weirduhan din kayo. Yes! weird talaga yung kilos nun ni Eren. Nakita ko kasi syang nag.....


"PARENG JUSTIN! TULALA KA NA NAMAN!!" SHIT!! ngumiwi ako at napahawak sa tenga ko. Tangna naman! Ang sakit ng tenga ko huh!  Sinamaan ko sya ng tingin.

"Siraulo kang bata ka huh! Ano bang problema mo?" inis ko'ng tanong sa kanya. Ngumiti lang sya at nag piece sign. Gago talaga. Tsk.

* * *

Vote.Comment you're reaction.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now