Zombie 46

6.7K 259 33
                                    

Zombie 46: Unexpectedly

Colbie's POV

Habang nag lalagay ako ng mga armas sa kotse ay nakita ko si Arnold na nag mamadaling papalapit sa akin.

"Colbie, ito na yung vaccine. Isang patak lang nung dugo ni Megan ay isalin mo na sa maliit na butas nung nasa ibabaw ng bote. After 10 seconds ay okeg na yung vaccine." paliwanag nya. Tumango ako at kinuha yung vaccine na naka lagay sa maliit na bote.

"Sigurado ka ba na sya yung master mind?" paninigurado ko. Seryoso syang tumango.

"Yes. Nakita ng mga mata ko nung nag karon ng gulo. Ramdam ko na sya talaga ang master mind. Bilisan mo dahil baka malinlang si Megan sa plano nya." saad nya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sya yung master mind. Alam kong magugulat at hindi magugustuhan ni Megan kapag nalaman nya kung sino talaga ang kalaban.

Kung nag kita na sila ni Jai ay paniguradong pag kakamalan ni bunso na si Jai ang mastermind. Pero isa yung napakalaking kasinungalingan.

Ibig sabihin ay hindi talaga si Jai ang mastermind. Naging ganun lang sya dahil nilagyan sya ng redbug sa batok nya. Ang redbug ay isang delikadong gadget lalo na kapag dumikit ito sa batok mo.

Kapag once na dumikit sa batok o sa dibdib mo ang redbug ay parang mapa-paralyze yung katawan mo at mga ilang sandali lang nun ay mag didilim na yung paningin mo. Wala kang kaalam-alam na gumagalaw na pala ng kusa yung katawan mo dahil ang redbug na mismo ang kumokontrol sa katawan mo.

Konektado yung redbug sa utak kaya kaya nyang i-block yung utak mo. Kapag tinanggal yung redbug sa batok ay wala kang maalala sa nangyari. Ganun ang nangyayari ngayon kay Jai. Ewan ko nalang sa mga iba kung nalagyan ito ng redbug.

"Ok na ba ang ang lahat?" tanong ko sa mga sundalo.

"Sir yes sir!" sabay nilang sagot.

"Mag handa na kayong lahat dahil magsisimula na ang laban" sabi ko at pumasok sa kotse.

Hintayin mo ako bunso. Sabay tayong tatalunin yung mastermind kahit napaka hirap gawin nun.

Megan's POV

Mabilis akong nag tago sa madilim na parte nung may makita akong dalawang sundalo na nag lalakad sa gitna ng hallway. Nung malagpasan nila ako ay lumapit ako sa likuran nila.

Tinutukan ko ng baril sa ulo yung isang sundalo. Nung makita ako nung isa ay kinasa nya yung baril nya at tinutok sa akin. Bago pa ako matamaan ng mga bala nung sundalo ay mabilis kong hinarang yung katawan ng sundalong saka-sakal ko kaya sya ang nabaril at hindi ako.

Humugot ako ng baril at binaril sa ulo yung sundalo. Binitiwan ko yung sakal-sakal kong sundalo. Palinga-linga ako sa paligid para tignan kung may paparating pero mukhang wala naman.

---

Habang nag lalakad ako sa hallway ay pansin ko yung naka hilerang pintuan na kulay puti. Hindi ko mabuksan yun dahil kusa mismo yung nag bubukas at nag sasarado.

[Welcome to my Hyde Laboratory, Megan]

Kumuyom yung kamao ko nung marinig ko yung boses ni Jai sa speaker.

[Are you ready to play with me, Megan?] mapang-asar nyang tanong. Napangisi ako at tumingin sa CCTV.

"Mark my words, Jai. Im born to be ready. So get ready because i will kill you merciless" malamig kong sabi sabay baril sa CCTV.

Habang nag lalakad ako nililibot yung paningin ko sa paligid. Bawat CCTV na makikita ko at binabaril ko. Bigla akong napatigil sa pag lalakad nung bumukas yung isang pintuan at may lumabas doong mga zombies.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now