Zombie 20

9.7K 395 1
                                    

Zombie 20: Emergency Call

Megan's POV

Dining area

"Ito ang mapa na papunta sa main base ng parteng Laguna" panimula ni kuya at nilapag yung malaking mapa sa mahabang lamesa. Lumapit ako doon at sinilip yung mapa. Ang mapa ng parteng Luzon ng Pilipinas.

"We need to get cross over.....here" turo nya sa isang lugar. Tumango ako habang umiinom ng gatas.

"Mahigit apat na oras bago tayo makarating doon. Pero bago tayo pumunta doon ay pupuntahan na muna natin ang bahay para kunin natin lahat ng armas natin" tumango ulit ako. Tanging kaming dalawa lang ang nasa loob ng dining area. Kakatapos lang naming kumain atsaka nag simula na kaming gumawa ng plano para bukas sa pag alis namin.

Hindi ko sila nakita ng pag dating namin dito. Malamang lahat sila ay nasa living area at gumagawa din ng plano. Kahit kinamumuhian ko sila ay gusto ko silang tulungan. Pero hindi pwede. Masyadong delikado kapag sumama sila sa amin. Muntik na nga kaming ma trap kanina sa labas eh. Kaya ok lang na kaming dalawa ang mag kasama.

"Paano tayo makakapunta sa bahay eh wala naman tayong kotse?" don't tell me mag hahanap kami sa kalsada? wag na! Masyadong adventure pag ganu'n. Ok lang kung ako ang mag isa. Kapag mag isa ako ay gagawin ko talaga yun. Pero hindi pwede dahil kasama ko nga si kuya.

"Sa parking area tayo pupunta. May basement dito sa loob ng building kung saan pinaparada ng mga dating naka tira dito. Malamang sa malamang ay meron tayong makikitang kotse doon" seryosong saad ni kuya habang pinagmamasdan yung malaking mapa. May nararamdaman akong kakaiba at napatingin sa likuran ni kuya. Napa ngisi ako at binaba yung baso na wala ng laman. Kumuha ako ng baril at nilagyan iyon ng silencer.

"A-anong ginagawa mo?" nuutal na tanong ni kuya. Tinignan ko sya. Natatakot syang nakatingin sa hawak kong baril. Nginisihan ko lang sya sabay kasa ng baril. Nanlaki yung mga mata nya nung tinutukan ko sya ng baril.

"W-woah! woah! I-ibaba mo nga yan bunso! H-hindi mo na ba a-ako m-mahal?" kinakabahan nyang sambit habang nakataas yung dalawang kamay nya na para bang sumusuko. Pero tinignan ko lang sya ng malamig.

"Paalam" naka ngsing sabi ko sabay kalabit ng gatilyo.




"HOLLY MOTHER FVCKING S*HIT!!" sigaw nya at tinakpan yung tenga nya. Wala namang tunog yung baril kasi naka silencer yung baril. Tss. OA.


"Ano bang ginagawa mo! Papatayin mo ko sa sobrang takot!" inis niyang sambit at mariin nyang sinuklay yung buhok nya. Tch. Anong akala nya? sya yung babarilin ko? Yung binaril ko ay yung daga na nasa likuran nya. I hate rats. Really hate.

"Mapuputi yung buhok ko sayo. Hindi mo blah...blah...blah...blah" binaba ko yung baril sa lamesa at umupo sa upuan na hindi pinapansin yung sermon ng magaling kong kuya.

Biglang napahinto sa pag sasalita si kuya ng tumunog yung phone nya na nag sasabing may tumatawag.

"Sagutin mo na yung tawag. Baka si Tito na yan" saad ko sabay patong ng dalawang paa ko sa lamesa. Nag 'tsss' lang sya at sinagot yung tawag.

"Hello dad.....yes dad, nasa ligtas kaming lugar....Now?...it's too dangerous, dad.....pupunta sila?....where?...ok-ok fine. Bye" asar nyang binaba yung tawag at padabog na umupo sa upuan.

"What's wrong kuya? Is there any problem?" nag tataka kong sambit at umupo ng maayos. Nag buntong hininga sya at hinilot yung sintido nya.

"We need to get out of here" inis nyang sabi habang hinihilot yung sintido nya. Nanlaki yung mga mata ko.

"What? Now? As in now?!" gulat ko'ng tanong.

"You heard me right? Right here, right now" bakit ngayon? madilim na sa labas kaya delikado kapag ngayon kumilos.

"Bakit daw? pwede bang bukas nalang?" naguguluhan kong tanong kay kuya. Umiling sya.

"Hindi pwede, bunso. Hindi na din tayo da-daretso sa Mainbase ng Laguna. Kundi sa Ilocos Region" tumayo sya at kinuha yung mapa. Tumayo din ako at lumapit sa kanya.

"Why? Bakit daw doon?" ano ba talagang nangyayari? Bakit kami pinapapunta doon ni Tito? Dont tell me may panibago kaming mission?

"Doon tayo pinapapunta ni dad, dahil ang Ilocos region na ang safe zone ng Pilipinas. Nandoon na din si Heneral Crisostomo. Ang kataas-taasang heneral ng armforces of the Philippines. Pinapapunta na tayo agad doon dahil nag kakagulo na yung prime minister at yung mga pulis na may matataas ang ranggo. Hindi nila alam kung anong gagawin dahil sa pag ka bigla ng pangyayari. Nag tataka sila kung bakit nagkaroon ng delubyo. Gusto ka na nilang makilala at makausap, lalo na yung heneral ng Pilipinas at nung presidente​" pag papaliwag nya.

"Kailangan na nating umalis ngayon dahil malayo pa ang pupuntahan natin. 30 minutes bago makapunta sa bahay at sampung oras papunta sa Ilocos region. Pero wala ng traffic dito sa Pilipinas ay baka mapa aga tayo ng dating doon" saad nya habang sinisilip yung wrist watch nya. Nag buntong hininga at napailing nalang ako. Wala kaming magagawa. Kailangan naming sumunod. Lalo na kapag galing kay Tito.

----

ROOM

Nag suot ako ng tokong short na kulay itim. Hindi na ako nag palit ng sando dahil gumamit nalang ako ng pulang jacket pang takip sa katakawan ko. Baka malamigan ako kapag lumabas na kami. Nag pusod na din ako ng messy bun para kapag napa laban ako ay hindi ako ma-distract sa buhok ko. Nagsuot din ako ng black gloves na may limang butas para sa limang daliri. Gagamitin ko yun para hindi ako manggalay kapag naka hawak ako sa baril buong mag damag.

"Ready ka na ba, bunso?" tanong ni kuya habang nag lalagay ng bala sa kanyang baril. Tumango lang ako habang nag lagay ng panibagong band-aid sa gilid ng panga ko.

Lumapit ako sa kama at kinuha yung M16A4. Nilagayan ko yung ng bala at kinasa. Kinuha ko naman yung backpack ko at nilagay doon yung mga ibang baril ko.

"Umalis na tayo, bunso. Tumatakbo yung oras" ani ni kuya. Tumango lang ako at tuluyan na kaming lumabas ng kwarto.

* * *

vote.comment

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon