Zombie 40

6.7K 265 10
                                    


Zombie 40: She's Back

Yvonne's POV

"Did you know what you're talking too?" walang emosyonal nyang sabi kay Anne. Mariin akong napalunok at napatayo. Nandito na nga sya. Nandito na yung kaibigan namin. Masaya akong tumingin kela Nina at nakita ko silang umiiyak habang nakatingin kay Megan. Habang si Eren naman ay tulala lang habang nakatingin din kay Megan.

"Give me your phone" naputol yung tingin ko kela Nina nung mag salita ulit si Megan. Nakalahad yung kamay ni Megan sa harapan ni Anne. Si Anne naman ay putlang-putla na yung mukha na para bang natatae, syempre ganun din yung reaksyon nila Angelo.

"Just give me that fucking phone of your's" sambit ni Megan.

Lumapit si Selena kay Anne at siniko para matauhan. Nang matauhan si Anne ay aligagang kinapkapan nya yung pantalon nya. Nang mailabas nya yung phone nya ay mukhang nag dadalawang isip pa sya kung ibibigay nya ba yun kay Megan o hindi. Pero sa huli ay ibinigay nya din yun.

Napalunok pa si Anne at yung mga kasama nya nung mag pindot-pindot si Megan  sa phone ni Anne. Mga ilang sandali ay tinapat nya iyon sa tenga.

"Shut your fvcking mouth the hell i-don't-who-you-are." panimula nya. T-teka ano yung ginagawa nya?

"I want you to replace your fucking soldiers right now. I want it in ten seconds" malamig nyang sabi at pinatay yung tawag.

"Here" sabi nya at binigay kay Anne na natulala sa narinig. Tumalikod na sya at nag simula ng maglakad. Pero hindi pa sya nakakalayo nung tinawag ko sya.

"Megan!" tawag ko. Napahinto sya sa paglalakad. Pero hindi pa rin sya humaharap.

"S-salamat at b-bumalik ka" nauutal kong sabi. Sobrang saya ko talaga na makita sya muli. Akala ko may nangyari sa kanyang masama.

Hindi nagsalita si Megan at nag simula na ulit maglakad hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napatingin ulit ako kay Eren at nakita kong nakayuko lang sya. Tumayo sya at nag lakad paalis. Tinawag pa sya nila Justice pero hindi sya pinansin.

Megan's POV

"Nakita mo na ba sila?" tanong ni kuya na naka upo sa wheelchair. Naka wheelchair ngayon si kuya dahil nabaril yung binti nya kaninang labanan. Ako naman ay nabaril sa braso pero hindi naman lumala tulad ng kay kuya.

Nung papunta na kami dito ay may nangyari na namang kakaiba. May sumugod na namang mga armadong sundalo sa amin. Ang ginawa ko nalang paraan para mapabilis ang laban ay pinasabog ko yung malaking gusali. Ginawa ko yun dahil alam kong mapapansin yun ng mga tao sa safezone.

Hindi naman ako nag kamali dahil dumating yung mga sundalo kaya hindi na ako nahirapan pang makipag patayan sa mga armadong sundalo. Binabantayan ko kasi ng mabuti si kuya kasi nabaril sya sa binti. Nakita ko kung sino yung bumaril non kaya pinaulanan ko sya ng bala ng baril ko ng dahil sa galit.

Nang pagdating namin sa safe zone ay nanghiram pa ako ng uniform ng mga sundalo dahil halos makita na yung kaluluwa ko. Muntik na ngang mahimatay si kuya nung makita nya yung itsura ko.

Ginawa ko lang din yun para i-surprise sila Yvonne. Pero parang ako yata ang na surprise nung makita ko sila sa cafeteria.

Nakita ko nalang na kinakawawa sila nung mga sundalo. Tss. Kung gaganyanin lang din pala nila yung mga tao ritobakit pa nila ito nililigtas sa danger zone? para may mapaglaruan?

* * *

"Tapos na" sambit ni Arnold nung matapos nyang gamutin yung sugat ko sa braso.

"Naalala mo pa naman kung nasan yung lugar ng mastermind diba?" bigla kong pagtanong kay Arnold. Napatigil sya sa pag ayos ng mga gamit ng first aid kit at tumingin sa akin.

"Yes. May plano ka na bang lumusob doon one of these days?" seryoso nyang tanong. Nag kabit balikat ako at sumandal sa head board ng kama ko.

"I'm not ready for that. Kailangan ko na munang mag isip ng plano tungkol dyan" seryoso kong saad habang nakatingin sa malayo.

"Hindi mo sya kilala kaya kailangan mong mag ingat" nag aalala nyang sabi. Kumunot yung noo ko at tumingin sa kanya. Sino ba talaga sya?

"Tell me about that mastermind" saad ko. Kahit gaano sya kalakas ay lalabanan ko pa rin sya. Sya ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko. Ok lang kahit mamatay ako basta ang mahalaga ay makasama ko sya sa impyerno at doon ko sya papatayin ng paulit ulit.

"Wala akong alam tungkol sa kanya. Pero kahit hindi ko pa nakikita yung pag katao nya ay ramdam ko yung lakas ng kakayahan nya. Mag ingat ka dahil baka nasa paligid mo lang sya" seryoso nyang sabi. Kumuyom yung kamao ko at umiwas ng tingin.

Ano ang ibig nyang sabihin? Kung nasa paligid ko lang yung master mind ay baka iisa yun kelan Nina, Yvonne, Patricia at yung mga boys. L-lalo na si Eren. Napaka impossible din na maging master mind si.....






"Bunso!~" naputol ako sa pag iisip nung marinig ko yung boses ni kuya. Kumunot yung noo ni kuya nung mapansin nya yung aura sa pagitan namin ni Arnold.

"Mukhang seryoso yung pinaguusapan nyo huh? ano ba yun?" curious nyang sabi at lumapit sa amin.

"Meron pero hindi mo na kailangan malaman pa" malamig kong sambit. Lalong kumunot yung noo nya at tumingin kay Arnold. Pero umiwas lang ng tingin si Arnold.

"Kailangan ko ng umalis Megan. Magpagaling ka na muna" sabi nya at nag mamadaling umalis ng kwarto.

"May sinabi ba sayo si Arnold na hindi ko nalalaman?" naka kunot nyang tanong. Umiling ako.

"Hindi mo na kailangan malaman pa yun" sabi ko at umiwas ng tingin. Inis niyang hinampas yung hawakan ng wheelchair nya.

"But i want it to know! I'm your kuya!" galit nyang sabi.

"Damn kuya! Not now please?! I'm tired so please get out!" inis kong sabi. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko pero agad lumambot yung reaksyon ng mukha nya. Mag sasalita na dapat sya nung humiga na ako sa kama ko at tinalikuran sya.

"Please get out. Kailangan ko na munang mag pahinga" malamig kong sabi. Narinig kong nag buntong hininga sya. Maya maya ay narinig kong bumakas-sumarado ang pinto.

Pinikit ko yung mga mata ko kasabay na doon ang pag labas ng luha ko.

Sana maipagtanggol ko silang lahat hanggang sa huli kong hininga.

***

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon