Zombie 45

6.6K 237 56
                                    

Zombie 45: Meet your......

Megan's POV

Pag dilat ng mga mata ko ay amoy na amoy ko yung kakaibang amoy na nanggagaling sa air-conditioned. Uupo na dapat ako nung may pumigil sa akin.

"Wag ka ng gumalaw. Baka bumuka yung sugat mo sa gilid ng tyan mo" sabi ni kuya. Hindi naman ako nag salita at humiga nalang ng maayos. May gusto akong itanong kay kuya kaso natatakot ako sa maaring sabihin nya.

Ramdam ko yung kaba at takot ko dahil napaka tahimik at napaka seryoso ng ekspresyon ng mukha ni kuya habang nakatingin sa akin.

"May dapat ba akong malaman, bunso?" seryoso at malamig nyang sabi. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"A-anong dapat malaman na sinasabi mo?" pinilit kong maging seryoso sa harapan ni kuya pero parang hindi ko magawa. Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni kuya. Kita ko yung galit sa mga mata nya kaya binalutan ako ng kaba at takot.

"May plano ka bang sabihin sa akin ang tungkol dyan sa batang nasa sinapupunan mo?" ani nya habang seryoso pa rin ang mukha. Napakuyom ako at napayuko.

Shit, alam nya na.

"Kailan pa?" mariin nyang tanong. Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng diretso sa mata.

"Kahapon ko lang nalaman" pag sagot ko.

Nung makalipas ng isang Linggo ay may nangyari uli sa amin ni Eren. Nung time na pinatulog sya ni Tito sa bahay. Ilang beses na may nangyari sa amin nung araw nun kaya heto nabuntis ako.

Pagkatapos ng apat na araw ay pansin ko na yung pag kahilo at pag susuka ko araw-araw. Nag iiba na rin yung hilig ng taste ko sa paborito kong pagkain.

Patago akong pumunta sa hospital para mag pacheck up at doon ko na nalaman na nag dadalang tao na pala ako.

"Damn, Megan! May i remind you that you're just 16 year's old! Nasa delikadong sitwasyon ka din ngayon! Hindi ka nag iisip!" nanggagalaiti nyang sigaw. Kumuyom yung kamao ko at ramdam ko yung pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"I don't care, kuya! W-wala na tayong magagawa dahil nandito na. Mahal ko yung anak ko at mag iingat ako" naluluha kong sabi. Narinig kong nag buntong hininga sya.

"Kung ganon, hindi ka na pwedeng lumusob sa lugar ng mastermind" seryosong sambit nya na ikinalaki ng mata ko.

"Hindi pwede kuya!" mariin kong sabi. Nag tiim bagang sya na mukhang hindi nagustuhan yung sinabi ko

"Whether you like or not you will obey me! Hinding-hindi ka aalis dito! Baka nakakalimutan mong may batang nabubuhay sa loob ng tyan mo?!" tiim bagang nyang sabi habang nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Natahimik ako at natulala habang nakatingin kay kuya.

Tama sya pero paano na si Eren? Paano na yung ama ng anak ko? Hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. Kailangan ko sya at ng magiging anak ko.

Nagulat ako nung makita ko si kuya na lumuluha. Namumula yung ilong nya pati na rin yung dalawang mata nya. Kahit nakahiga ako ay hinila ko sya papalapit sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kuya, bakit ka umiiyak?" nag aalala kong tanong habang hinahagod yung likod nya. Nilayo ko sya ng kaunti. Hinawakan ko yung pisngi nya at pinunasan yung luhang lumalandas sa pisngi nya.

"Natatakot lang kasi ako na baka mawala ka sa akin at pati na rin yung pamangkin ko.....L-lalo na nung nalaman ko na yung sarili mong dugo ay compatible sa formula ng vaccine" natatakot nyang sabi. Nanlaki yung mga mata ko at napalayo ng kaunti sa kanya.

"A-ano?"

----

"Nalaman lang namin yun nung kailangan kong makuha yung dugo mo para masalinan ka ng dugo. Pero nung nakuha ko yung blood type mo ay doon ko na nalaman na yung dugo mo ay compatible sa formula ng vaccine" paliwanag ni Arnold sa akin. Tumango tango naman ako habang nakikinig sa kanya ng mabuti.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now