Special Zombie

8.7K 241 20
                                    

Special Zombie: JAPAN SEA

DECEMBER 25, 1913 (PAST)

Sa tabing dagat ay may dalawang lalaking na nag lalakad para mangisda. Pero napahinto sila nung makakita sila na tao na nakahandusay sa buhanginan.

Tila parang hinahampas ng dagat ang katawan ng tao na para bang inalalayo ito sa dagat para hindi matangay ng alon.

Tumakbo yung dalawang lalaki at lumapit sa taong nakahandusay sa buhangin. Nung makalapit sila ay ngayon lang nila na kumpirmeng babae pala yun. Kaso hindi nila makita ang mukha dahil nakaharang yung basang buhok nito.

Tumingin yung lalaki sa kasama nya at sinasabi na sya nalang daw ang tumingin. Tumango naman yung lalaki bilang pagsang-ayon.

Bago lumapit yung lalaki ay hinanda nya na muna yung armas nya at lumapit sa babae.

Lumuhod sya sa gilid ng katawan ng babae at dahan-dahang tinanggal ang nakaharang na buhok sa mukha. Nung makita ng lalaki yung mukha ng babae ay bigla syang natulala dahil sa taglay na kagandahan na meron sa babae.

Makinis ang balat, matangos ang ilong, manipis at mapupulang labi ang meron sya. A-ang g-ganda nya. Sabi nung isip ng lalaki.

"Hiro, Zonbidesu ka? (is it zombie?)  " tanong nung kasama ni Hiro. Biglang bumalik ang ulirat ni Hiro at tumingin sa kaibigan nya.

" Sekkusu wa zonbide wanai, Tatsuya (she's not zombie, Tatsuya) Mukhang naligaw ito" nauutal na sabi ni Hiro. Kumunot yung noo ni Tatsuya dahil pansin nya yung pamumula ng mukha ni Hiro.

Mukhang napansin ni Hiro ang pagtitig ni Tatsuya sa kanyang mukha kaya agad syang umiwas ng tingin.

Muling tumingin si Hiro sa babae. Kinapa nya yung leeg para malaman kung buhay ba o hinde. Pero sa kaloob-looban nya ay nagbabakasakaling sana ay buhay pa ang babae. At laking gulat nya na maramdaman nya yung tibok ng puso ng babae.

" Kanojo wa ikite iru!, Tatsuya.(the girl is alive!) buhay yung babae!" nakangiting sabi ni Hiro. Nanlaki yung mga mata ni Tatsuya sa narinig nya sa kaibigan nyang si Hiro.

"Kung ganun dalhin na natin sya sa bayan dali!" sambit ni Tatsuya. Akmang hahawakan ni Tatsuya ang babae kaso inunahan sya ni Hiro.

"Ako na ang mag bubuhat sa kanya. Ikaw na ang mag hawak sa baril ko" sabi Hiro. Napakunot yung noo ni Tatsuya dahil nakakapagtaka ang mga galaw ng kanyang kaibigan. Pero wala na syang nagawa at dinala yung armas ni Hiro.

----

Nung makarating na ang mag kaibigan sa patagong bayan na malapit sa tabing dagat ay agad nilang dinala sa bahay ng kaibigan nilang doktor.

"Sono on'nanoko wa dareda?, Hiro (who's that girl, Hiro?)" tanong nung doktor na kakilala nila.

"Watashitachi wa chōdo bīchi de kanojo o mimashita, Haruka. Uso to muishiki (We just saw her at the beach. Lying and unconscious)" pag sagot ni Tatsuya kay Haruka.

"Osige, ihiga nya na sa higaan yan para ma-check up ko ang katawan nyan" sambit ni Haruka sa mag kaibigan. Agad namang nag lakad si Hiro at dahan-dahang inihiga ang babae sa higaan.

Lumapit si Haruka sa babae at chineck ang heart beat ng puso ng babae. Matapos check apan ang katawan ng babae ay humarap sya sa mag kaibigan.

"Ok naman ang katawan nya. Wala naman akong nakikitang galos sa kanya pero ang nakakapagtaka ay napakabilis ng tibok ng puso nya. Ano ba talagang nangyari?" sabi ni Hakura sa mag kaibigan.

"Watashitachi wa dochira mo shiranai (we don't know either) Basta nakita nalang namin sya sa tabing dagat at walang malay" kabit balikat na sabi ni Tatsuya habang si Hiro naman ay hindi maputol putol yung tingin sa maamong mukha ng babae.

Nag tataka sya sa kanyang sarili dahil ngayon lang sya nakaramdam ng ganito. Parang may kung anong paruparo na lumilipad sa tyan nya sa tuwing nakikita nya ang mukha ng babae.

Anong pangalan mo at bakit nandoon ka sa tabing dagat? tanong ng isip ni Hiro.

***

EDITED (編集済み)

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now