Zombie 16

10.3K 402 12
                                    


Zombie 16: I miss this game

Megan's POV

Locker Room

"Here" sabi ko sabay abot ng 44 magnum kay kuya. Kinuha nya iyon at tinago sa bewang nya. Habang kinukuha ko yung mga armas ko ay naka masid lang si kuya sa labas ng pinto.

Medyo naiinis pa nga ako kasi ko-konti lang ang dala kong armas. Mas maraming nadalang armas si kuya kaso nasa kotse naman. Tch. Sana nga konti lang yung mga zombies sa labas.

* * *

Colbie's POV

"Clear yung labas. Walang zombies" nakangiti ko'ng sabi sabay tingin kay bunso. Kumunot yung noo ko ng makita ko yung ekspresyon nya. Mukhang na disappoint sya sa sinabi ko.

"Oh bakit ganyan yung mukha mo?" nag tataka kong tanong​ sa kanya. Nagulat ako ng binigyan nya ako ng matalim na tingin. Hala! ano naman ang nagawa ko?!

"Tss....Mas maraming zombies mas maganda diba? Ang Thrill kaya nun" sabi nya sabay ngisi. Napaawang yung bibig ko. Akala ko kung ano na. Yun pala, naiinis sya dahil walang zombies? Ibang klaseng babae. Hindi na ata tao to, halimaw na yata.

"Tsk! Halika na nga" naiilang ko'ng sabi at hinila sya palabas ng locker room.

* * * * *

Hallway

Habang nag lalakad kami sa maruming hallway ay hawak-hawak ko yung baril ko. Habang si bunso naman ay relax na relax na maglakad.

"Hmm~ hmmm~"

Napa iling nalang ako. Mukhang hindi sya natatakot sa paligid. Parang wala lang sa kanya kahit nakaka diri at nakaka suka yung paligid. Mukhang sanay na sanay na sya sa ganitong kalagayan. Hindi nya pa hinawakan yung baril nya. Hindi man lang sya nagiging handa kapag may sumogod man na zombie sa harapan nya.

Bigla kaming napahinto ng may marinig kaming kakaibang ungol ng tao mula sa second floor. Nasa tapat kami ng hagdan kaya rinig na rinig namin ang mga ungol ng tao.

Nang pag tingin ko kay bunso ay nakita ko syang naka ngiting malademonyo. Ito na nga sinasabi ko eh. Bumabalik na naman yung tunay ng anyo nya.

Alam ko ang tumatakbo sa utak nya kaya agad akong nag salita.

"Delikado bunso. Mag hanap nalang tayo ng ibang madadaan" ani ko. Nawala yung nakakatakot​ nyang ngiti at tumingin sa akin ng seryoso. Napalunok ako. Kanina nakakakilabot na ngiti ngayon malamig na tingin naman ang binibigay nya sa akin.

"Don't worry kuya. Ako lang ang baba at hindi ikaw" walang emosyon nyang sambit. Kumunot yung noo ko. Hindi ba sya natatakot na ma infect? Marami akong naririnig na ungol sa baba kaya alam kong maraming mga zombies doon. Atsaka ko-konti lang yung dalang armas namin! baka hindi yun umabot hanggang sa labas ng school. Pupunta pa kami sa parking lot kasi nandun yung mga armas ko.

"No. Kung bababa ka sa second floor ay sasama ako. Hindi pwedeng---" bigla akong napahinto sa pagsasalita ng niyakap nya ako ng mahigpit.

"Lalong hindi ako papayag kung sasama ka sa akin. Ikaw nalang ang pinaka mahalagang tao para sa akin, kuya. Kaya ipagtatanggol kita. Ayaw ko ng maiwan ulit. Sana maintindihan mo ako kung bakit ko ito ginagawa  sa'yo, kuya" ma-emosyonal nyang bulong sa akin.

Humiwalay sya ng yakap sa akin. Ngumiti sya kaya napangiti din ako. Pero deep inside ay nalulungkot ako. Gusto ko din syang ipagtanggol. Pero ayaw nya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang determinasyon. Handa syang makipag laban sa kamatayan para lang mailigtas ako.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now