Zombie 32

7.9K 326 36
                                    

Zombie 32: Kuya C.

Megan's POV

Nakasandal lang ako sa malaking puno at nakatingala para pagmasdan yung kalangitan. Nakakatuwa dahil ang daming bituin sa langit. Kasama pa don ang malamig ng simoy ng hangin.

Ang sarap sa feeling. Sana ganito nalang palagi. Yung mag isa lang ako at nasa tahimik akong lugar.

"Wag mo kaming idamay sa kasamaan mo. Oo alam ko'ng masama kang tao. Pero hindi ko inaasahan na meron pa palang mas hihigit doon. Hindi ka lang masamang tao, kundi isa ka ding traydor"

Malamig akong ngumiti. Ok na sana kung nanggagaling iyon kay Mich pero kay Eren na mismo nanggaling yung mga salitang yun. Sya na mismo ang nagsabi na isa akong masamang tao.

Pagak akong natawa dahil sa kung anong tumatakbo sa isipan ko.

"Bunso! Bunso!" napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko yung boses ni kuya. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko si kuya na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Huminto sya sa pag takbo at nag aalalang napatingin sa akin.

"B-bunso" hinihingal nyang tawag sa akin. Nanlaki yung mga mata nya ng makita akong umiyak. Parang hindi nya inaasahan na makita akong umiiyak ng ganito.

"K-kuya" naiiyak ko'ng sabi at tumakbo papunta sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya ay niyakap ko sya ng mahigpit. Agad naman nya akong niyakap pabalik.

"Shhh. Don't cry. Nandito na si kuya. Huwag ka ng umiyak please?" bulong nya habang hinahagod yung likod ko. Pero hindi ko magawang mapigilang hindi umiyak. Siniksik ko yung mukha ko sa leeg nya para mag tago doon at umiyak.

"Ang sakit kuya. Ang sakit nyang mag salita" bulong ko habang humihikbi.

"Tsk. Halika nga" aninya at hinala ako papaupo sa malaking ugat ng puno kung saan ako nakaupo kanina. Pinaupo nya ako sa tabi nya at pinunasan yung basang pisngi ko.

"Dapat hindi ka umiiyak, bunso. Hindi mo deserve na iyakan silang lahat. Lalong lalo na yung lalaking yun" inis niyang sabi at sinuklay yung buhok kong magulo. Napayuko ako. Para akong nanghihina dahil sa mga nangyayari ngayon. Ayoko ng ganito. Ayoko.

"Kuya pagod na ako" malungkot kong sabi. Napahinto sya sa pag suklay ng buhok ko at matamnan akong tinignan sa mata.

"Kung gusto mo nang itigil yung mission ay ok lang para sa akin. Rerespetuhin ko yun bilang kapatid mo. Alam ko naman na napapagod ka na sa sitwasyon nato. Kaya go lang ako sa'yo" naka ngiti nyang sabi pero parang​ ang lungkot ng mga mata nya habang sinasabi iyon. Bakit?

"Kapag ititigil mo na yung mission mo ay baka dalhin ka na ni dad sa Amerika" dagdag nya na ikinalaki ng mga mata ko. Ano? Dadalhin nila ako sa Amerika kapag ititigil ko na yung mission? Gulat akong nakatitig sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin.

Tawag nun ay mangyayari na yung hinihiling ko'ng makapag isa ulit. Kapag mangyayari yun ay babalik ako sa dating ako. Wala akong kasama at tanging sarili ko lamang ang iisipin ko.

Yes, tama. Ganun ang dapat mong gawin Megan.

---

Nag tataka ako kay kuya dahil pinipilit nya akong pumunta sa kusina kasama sya. Wala naman akong magawa at nag pahila nalang sa kanya papunta sa kusina ng bahay.

Nang pag dating namin sa likod ng bahay ay nakita ko sila Patricia, Nina at Yvonne. Kumunot yung noo ko dahil umiiyak sila? Yung mga boys naman ay nasa gilid lang at ang lungkot ng mga mukha nila. Lalo na sya.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now