Zombie 27

8.4K 343 7
                                    

Zombie 27: Where have you been?

Megan's POV

Nang mapatay na namin lahat yung mga zombies ay napagdesisyunan na naming lahat na mag sama-sama kami sa iisang​ sasakyan. Of course kailangan naming sumama sa kanila dahil nasira yung kotse.

Nabaril kasi ni Patricia yung gulong ng kotse at wala pa kaming dalang baon na gulong, kaya no choice kami na sumabay sa kanila. Tss. Kahit kailan talaga, Patricia.

Tahimik lang silang lahat at mukhang hindi sila maka-move on sa pagkamatay ng kaibigan nila. Mahigit nasa apat ang namatay nilang kasamahan.

Nasa likod kaming lahat at tanging si Nina lang naka hiwalay sa amin. Nasa harapan sya dahil may kausap syang babae na hindi ko naman kilala.

Yung nabasag kong salamin naman ay tinakpan iyon ng mga boy's gamit yung kahoy na ginamit nila pang armas kanina.

Tumingin ako sa dalawang palad ng kamay ko. May mga bahid na tuyong dugo. Nagbuntong hininga ako at pagod na sumandal sa sandalan ng upuan.

"Hmmm" napatingin naman ako sa tabi ko at nakita ko na naman yung maamong mukha nya. Nakapatong yung ulo nya sa balikat ko at nakapikit yung mga mata nya.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw yung kamay ko at dumapo sa pisngi nyang may talksik ng dugo. Dahan-dahan ko'ng pinunas yung mukha nya hanggang sa mawala na yung talsik ng dugo na nasa pisngi nya.

Tinanggal ko ang pagkahawak sa pisngi nya at tumingin ng diretso sa bintana. Nagbuntong hininga ako.

May katapusan pa ba ito?

* * *

Motel

Yvonne's POV

Hating gabi na at nag stay muna kami sa hindi kalakihang gusali. Isa syang motel kaya nag kasya naman kaming lahat.

Nandito kaming lahat sa living area​ at nakahilata kami sa carpet floor. Sobra ang pagod na nararamdaman namin ngayon kaya na wala na sa isip namin na kung madumi ba o malinis yung hinihigaan namin. Basta ang na sa isip namin ay makahiga lang kami at makapagpahinga.

Hindi ko nga mahagilap si Megan. Nandito naman si Colbie pero wala naman sya dito.

"Ang lalim ng iniisip mo huh" sabi nung katabi ko. Hindi ko naman nagawang lingunin yung katabi ko dahil boses palang nya ay nakakabwisit na sa pandinig ko.

"Wala kang pake" naka pikit kong sabi. Narinig kong ngumisi sya pero hindi ko parin sya tinitignan. Baka mabwisit pa ako lalo kapag nakita ko ang pagmumukha nya.

"Sus! Kunwari ka pa. Ako lang naman ang laman nung isip mo" at doon na ako napatingin sa kanya.

"In your dreams, Jerk"

Colbie's POV

[Mag ingat kayo dyan anak. Hihintayin ko kayo dito. Wait, where's Megan? gusto ko syang makausap]

"Hindi ko nga alam dad kung nasaan sya. Basta, nung makarating kami dito sa motel ay hindi ko na sya nakita. Gusto mo dad hanapin ko sya?" tatayo na dapat ako sa kinauupuan ko sa sofa ng mag salita si dad.

[No, it's ok. Maybe next time nalang anak. Baka nag papahinga na sya. Ibaba ko na ito dahil may kailangan pa akong kausapin sa mainbase. Bye]

"Bye dad" sabi ko at binaba na yung tawag.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilibot ko paningin ko sa paligid. Nasan na ba si Bunso? Kinakabahan tuloy ako kapag hindi ko sya nakikita.

Patricia's POV

Nang matapos na kaming kumain ng mga babae ay nilisan na namin yung dining area. Aakyat na dapat kami sa hagdanan ng mapansin namin yung mga lalaking nag uusap.

Mukhang may problema sila dahil kita ko sa mga faces nilang naka kunot ang noo. What's the prob?

"May problema ba?" tanong ni Bianca nung makalapit na kami sa kanila.

Napahinto sa pagsasalita si Tyler at napatingin kay Bianca.

"Paubos na pala yung gaas ng bus. Hindi yun kakayanin bukas sa byahe" sabi nya na ikinagulat naming lahat. Ano?!

"Huh?! e-eh wala bang m-malapit na gasoline station dito?!" kinakabahan na tanong ni Sandy. Napakamot naman sila at hindi makatingin sa amin.

"Ayun palang yung pinaguusapan namin. Kaso hating gabi na at delikado nang lumabas" pag sagot ni Justin.

"Pero kailangan na nating mag pa-gasolina dahil maaaga tayo bukas" sabi ni Colbie habang hinihilot nya yung sintido nya.

"Edi lumabas kayo boys! Mga lalaki naman kayo eh" singit ni Mich habang nilalaro nya yung dulo ng buhok nya. Sa tono ng pananalita nya ay parang ok lang sa kanya kahit mapahamak yung mga boys sa labas. Argh!! Ang sama talaga nya.

"Edi ikaw ang lumubas. Baka nga mas matakot yung mga zombies dahil kauri mo lang sila" pangbabara ni Yvonne kay Mich. HOLA!! Kabug sya sa mgandang kapatid ko!

Nag tiim bagang si Mich at mukhang naiinis sa sinabi ng kapatid ko. Susugurin nya na dapat yung kapatid ko ng mag salita si Bianca.

"Pwede ba, wag na kayong makisali! May problema tayo kaya please lang wag nyo ng dagdagan​ pa!" inis na sabi nya. Tsk. Ayan tuloy, galit na si president.

"Ano nang plano?" pag babago ko ng usapan.

"We have no choice. Kailangan nating lumabas ngayong gabi" saad ni Nina. Marami namang nag reklamo sa sinabi nya. Kesyo baka ma-infect sila. Kesyo baka maraming zombies sa labas pero agad silang natahimik ng may marinig kaming kung anong bagay na bumagsak na gamit na nanggaling sa likuran namin.

Sabay sabay kaming tumingin at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Megan. Duguan ang pananamit nya at may talsik pa na dugo sa pisngi nya. At ang mas ikinagulat ko ay nakita ko si Eren na nasa likuran nya lang.

Madungis din yung mukha nya at yung pananamit nya. Magulo yung buhok nya at may hawak-hawak pa syang baril. Halos parehas lang ang nakikita kong ekspresyon nilang dalawa. Wala akong makitang emosyonal sa mga mata nila.

Napadako yung tingin ko sa lapag at may nakita akong dalawang galon na kulay itim. T-teka! w-wag mong s-sabihin na....

"Matulog na kayo at ayoko ng maingay kapag hating gabi na" malamig na sabi ni Megan. Nakaramdam ako ng takot dahil narinig ko na naman yung malamig nyang boses. Si Eren naman ay walang kibo at malumanay lang kaming tinitingnan.

Lumapit si Colbie na naka kunot yung noo. Siguro ay nag tataka din si Colbie kung bakit ganun yung itsura nila.

"Where have you been, bunso? Kanina pa kita hinahanap" nag aalalang sambit ni Colbie. Pero iba yung lumabas sa bibig ni Megan.

"Bukas ng umaga, mag hahanap tayo ng pagkain para sa mahabang byahe natin bukas. Good night" walang emosyon nyang saad at umalis. Napatingin naman kami kay Eren na wala paring imik. Hinihintay namin syang mag salita pero nag kabit balikat lang sya at umalis. Siguro susundin nya si Megan kung saan yun pumunta.

"What was that?" pag basag ni Sandy. Nag salita naman din yung iba na para bang ngayon lang bumalik yung ulirat nila. Pero natahimik sila nung mag salita si Nina.

"Kunin nyo na yung galon. Huwag na din kayong mag-ingay, baka maingayan sa atin si Megan" seryoso nyang saad. Tumango naman yung mga lalaki at binuhat yung mga galon.

* * *

Vote.Comment you're reaction, Hunters

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now