Zombie 10 Part 2

9.6K 433 16
                                    


Zombie 10 Part 2: Bullying

Continuation.....

Megan's POV

Nang makapasok ako sa loob ng TLE room ay hindi ko inaasahan na may bubungad sa akin. Pag ka pasok ko pa lang ng classroom ay may lumapit sa aking tatlong babae at binuhusan ako ng maraming harina.

Napa ubo ako at pilit na tinatanggal yung harina sa mukha ko dahil hindi ako makahinga ng maayos. Rinig ko yung mga tawanan nila habang pinupunasan ko yung mukha ko.

"Ayan maputi ka na, panget! Hahahaha"

"Wait lang! Lalagyan lang natin ng kaunting kulay yang mukha mo. Ang putla mo na kasi, girl"

Sabi nung mga babaeng bumuhos ng harina sa mukha ko. Naramdaman kong may binato sila sa mukha ko at ang hapdi dahil nabasag ito at may lumabas.

Itlog. Puta, itlog yung binato nila sa akin.

Napa ngiwi ako dahil ang hapdi na talaga ng nararamdaman ko. Isang itlog ang naramdaman kong tumama sa mukha ko at nag patuloy pa ito hanggang sa hindi na tumigil.

Tumawatawa sila sa pag bato nila sa akin ng itlog habang ako naman ay naka tingin lang ng malamig sa kanila. Kahit nasasaktan ako sa pagbato nila ng itlog sa akin ay hindi ko yun inindad. Hindi ko magawang lumaban dahil ayoko. Kapag lumaban ako sa kanila ay baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko.

Pwede akong makapatay.

Tumigil sila sa pag bato sa akin ng itlog ng marinig naming bumakas yung pintuan.

"Whatzup, girls? What's happening here--Woah!" kita ng pheriperal vision ko na may apat na lalaking pumasok at napatingin sila sa direksyon ko. Alam ko'ng sila yung mga lalaking nasa likod ng classroom na bumato sa akin ng crampled paper.

"Anong palabas ito, girls? Bakit hindi nyo kami sinali?" ngising tanong nung lalaking may isang hikaw na naka sabit sa isang tenga. Mukhang babaero. Tss.

Nag tilian yung mga babae at nag silapitan sa lalaking nagtanong.

"Nakikipaglaro lang kami sa kanya, Justin"

"Yeah! tinulungan pa nga namin sya na pumuti yung balat nyang kulay chocolate!"

Sabi nung dalawang pugo. Habang yung mga ibang babae ay tumango tango lang habang dumidikit sa lalaking mukhang babaero.

Pagak na tumawa yung Justin at yung kasama nyang dalawang lalaki. Habang yung isa na nasa likod at naka sandal sa gilid ng pinto ay tahimik lang na naka masid sa akin.

Wala akong makitang emosyon sa mg mata nya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang natutuwa ako na hindi nya ako pinagtatawanan, except sa tatlo nyang kaibigan. Teka, bakit ako nakakaramdam ng ganito? scratch that shit of your thought, Megan! Hindi ka ganyan!

Parang galing sila sa cafeteria dahil may kanya-kanyang hawak silang mga plastic bottle na may lamang orange juice.

"Hmmm...nice view. Salamat sa inyo at tinulungan nyo sya" sabat nung isa na mukhang isip bata. Naka ngiti na ewan. Mukha tuloy syang tanga.

"How about you Eren? hindi ka ba nagagandahan sa mukha nya?" ngising tanong nung babae doon sa lalaking may cold eyes. Eren? Eren pala ang pangalan nya. Hindi ito nag salita at nakatingin lang ng diretso sa mata ko. Naka ramdam tuloy ako ng pag ka ilang sa malalim nyang mga titig.

"Ano na comment mo sa kanya Bro? Diba ang ganda nya na?" sabi nung Justin na naka akbay sa dalawang babae.

Hindi pa rin sya nag salita, bagkus na lumapit lang sya sa akin na hindi pinuputol yung tingin sa mga mata ko. Para akong natutunaw sa mga titig nya.

"Hindi maganda" naramdaman kong tumaas yung balahibo ko ng marinig ko yung boses nya.

Ang malamig  nyang boses. A-ang sarap sa p-pandinig ko.

"Hindi maganda?" nag tatakang tanong nung mukhang isip bata. Oo nga. Sya lang ang naiibang sagot.

Nanlaki yung mga mata ko nung itaas nya yung plastic bottle
na may lamang juice sa ulo ko at binuhos sa akin yun. Tulala akong tumingin sa mga mata nya habang dumadaloy yung juice sa mukha ko.

"Perfect" sabi nya na naka ngisi at tinapon yung plastic bottle sa harapan ko. Nag simula ulit silang pag tawanan ako at pumalakpak pa na para bang nanood sila ng live show.

"Wow! That was amazing Bro!" ani nung mukhang play boy.

Anong nangyayari sa akin? Bakit natutula ako habang nakatingin sa mga mata nya? Weird.

Matutuwa na sana ako dahil hindi nya ako pinagtatawanan pero nag kamali pala ako. Lalo nya lang akong pinahiya sa harapan ng mga tao. Mag kasing tulad lang pala sila ng mga ugali. Mga walang kwentang tao.

Kumuyom yung kamao ko dahil nararamdaman ko na naman yung galit ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Hindi ko pinansin yung mga tawa nila at nag lakad. Pero bago pa ako makalabas ng classroom ay tiningnan ko muna si Eren. Nakita ko ding nakatingin sya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin at lumabas na ng classroom.

Ito ba yung mga taong ililigtas ko sa kapahamakan? Hindi ako pumunta dito para mag paka-api o maki pag laro sa kanila. Nandito ako para iligtas sila.

Maiksi lang ang pasensya ko kaya wag nyo kong galitin. Kaya wag nyo kong simulan. Dahil kapag sinimulan nyo na ay ako naman ang tatapos sa inyo.

Tatapos sa inyong lahat.

* * *

Vote.Comment you're reaction, Hunters.



Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now