Zombie 18

10K 387 31
                                    

Zombie 18: Being a Zombie

Megan's POV

Nang magising ako ay nakita kong nakahinto kami sa gilid ng kalsada. Napa ayos ako ng upo at tumingin kay kuya.

"Kuya bakit naka hinto yung kotse?" takang tanong ko sa kanya. Mukhang may problema si kuya dahil sa ekspresyon nya.

"Naubusan na ng gas yung kotse, bunso" sabi nya habang kinakamot yung batok nya. Nanlaki yung mga mata ko. Bakit ngayon pa?!

Mukhang nasa gitna kami ng syudad kaya panigurado ay maraming zombies dito.

"Paano nato kuya?" tanong ko sa kanya. Para sa akin ok lang na mawalan ng gas ang kotse. Pero kasama ko si kuya kaya kailangan kong mag ingat.

"Wala nga din akong maisip bunso. Malayo pa dito yung gasoline station.Wala tayong choice kailangan nating mag lakad" sabi nya na ikinagulat ko. Dito pa mismo sa gitna na syudad na maraming zombies?!

"Eh masyadong delikado kuya!!" naiinis ko'ng sambit. Bakit ngayon pa? Baka may mangyayaring masama kay kuya kapag ginawa namin yung sinabi nya.

Ko-konti pa naman yung mga armas naming dala. Kaya panigurado ay hindi iyon kakayanin kapag nag lakad kami kasama yung mga zombies.

Kailangan kong mag isip.

Nilibot ko yung paningin ko sa paligid. Napako yung tingin ko sa dalawang zombies na malapit lang sa direksyon namin. Nakatayo lang sila sa harapan ng kotse at palinga-linga lang.

Malakas sila sa pandinig. Nakaamoy sila pero hindi ganun kalakas ang pang amoy nila. Maamoy ka lang nila kapag malapit ka na talaga sa kanila.

"Makakapunta ka sa gasolinahan kapag nalampasan mo na yung limang kanto. Pero sa limang kanto na yun ay nandoon na yung mga zombies. Kaya agad ko'ng pinarada dito kasi kokonti lang yung zombies dito" saad ni kuya habang palinga-linga sa paligid. Naningkit yung mata ko habang nakatingin sa isang kanto. Marami ng zombies doon. Halos mag kumpulan na sila dahil sa rami nila. Doon kami dadaan? kapag doon kami dadaan marahil ay maamoy nila kami.

Mukhang nabasa ni kuya yung nasa isip ko.

"Oo, doon tayo dadaan papunta​ sa gasolinahan, bunso" napa pikit ako ng mariin. Kailangan ko na nga talagang mag isip ng magandang plano.

"Wait lang bunso. Lalabas lang ako at mag hahanap ng pwede nating---" agad ko syang hinawakan sa kamay para pigilan.

"Huwag" diin ko'ng sabi. Nag tataka syang tumingin sa akin.

"Paano tayo makakaalis kung hindi ako kikilos?" naka kunot nyang sabi. Ngumisi ako. May naiisip na akong plano. Tumaas yung kanang kilay nya at mukhang nabasa yung nasa isip ko.

"Ano naman yang nasa isip mo?" taas kilay nyang tanong na para bang walang tiwala sa naiisip ko. Lalo akong napa ngisi.

Tinuro ko yung dalawang zombies na nasa harapan namin. Nag tataka syang napa tingin doon at tumingin ulit sa akin.

"Anong​ gagawin natin sa dalawang yun?" takang sambit nya. Bago ako sumagot ay kinuha ko muna yung isang palakol na nasa backseat. Naka ngisi akong tumingin sa kanya habang hawak-hawak ko yung palakol.

"Kakatayin natin yung dalawang zombie na yun. At kapag nakatay na natin yung dalawang yun ay kailangan nating kunin yung dugo at lamang loob nila---" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ay agad nyang hinarang sa mukha ko yung dalawang palad nya na sinasabing hindi nya gusto yung plano ko.

"No! No! No! No!!! Ayoko ng plano mo Bunso! Seryoso, maliligo tayo gamit yung dugo at laman loob ng isang zombie? AYOKO!!" nandidiri nyang sabi. Nag buntong hininga ako at seryoso syang tiningnan.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon