Zombie 2

15.1K 541 51
                                    

Zombie 2: Me and my Kuya

Megan's POV

Continuation......

"Zombie apocalypes...." bulong ko habang naka masid sa bintana.

Ang bilis naman yata mangyari ng hiling ko, Lord? Iniisip ko lang to kanina tapos makalipas ng konting minuto, nangyari na agad?

Kinuha ko yung bag ko at nag mamadaling umalis. Pero ipipihit ko palang yung seradura ng pinigilan ako ni Sir. Peterson. Ang epal ko'ng teacher sa History.

"Where are you going Ms. Stainsfield?! It's too dangerous outside!" galit nyang sabi habang naninilinsik yung mata nya.

"Sorry Sir, but i need to go." mariin ko'ng sabi at tinanggal yung malaki nyang kamay sa braso ko.

"No, you will--" hindi nya pa tinatapos yung dapat nyang sabihin nung tinuhod ko yung pag kakalalaki nya.

Napa luhod sya sa sahig habang namimilipit sa sakit. Kasalanan mo yan. Sabi kong aalis na ako.

Nag kakagulo na sa labas tapos mag iis-stay ba dito? Ano yun, hihintayin nalang namin na pasukan kami dito ng mga zombies at maging hapunan nila? Hello no!

Nagulat yung classmates ko pero hindi ko na sila pinansin. Nang makalabas na ako ay nanlaki yung mga mata ko. Parang dinaanan ng bagyo yung buong hallway.

"Fuck, yuck!" ngumiwi ako ng may maapakan akong eyeball sa flooring. Ang daming dugong naka kalat. Pati rin yung walls ang dudumi, may mga talsik na dugo. Maganda naman dahil wala akong nakikitang Zombies na naka kalat dito sa hallway. Pero kadiri  yung paligid. Gusto ko ng masuka.

Tatakbo na sana ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

"Megan!" napa lingon ako sa likod ko at nakita ko si Kuya na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Magulo yung buhok nya at ang dungis ng police uniform nya.

"Kuya!" niyakap ko sya ng mahigpit ng maka lapit na sya sa akin. Hindi ko na kailangan pang mag alala dahil nandyan na sya sa tabi ko.

"Kuya, anong nangyayari? Bakit nag karoon ng Apocalypes?" naguguluhan ko'ng tanong sa kanya nung mag kahiwalay na kami ng yakap.

"Hindi ko rin alam, bunso. Masyadong mabilis ang pangyayari. Narinig ko lang sa mga katrabaho ko na may kumakalat na virus dito sa bansa natin. Hindi lang pala ang bansa natin ang naapektuhan, kundi ang buong mundo." mahabang paliwanag nya habang palinga-linga sa paligid. Pumikit ako ng mariin at hinilot yung sintido ko.

Hindi ako natatakot na ma-infect ako o mamatay man ako ngayon. Natatakot ako para sa kuya ko. Sya nalang ang mahalaga sa akin kaya sana huwag syang mawala. Kailangan ko'ng maging matapang para sa kuya ko.

"Kuya, may baon ka bang baril?" tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat sya sa naging tanong ko pero agad na kumalma. Alam nya kasi na marunong na akong gumamit ng baril.

"Wala na bunso, sa kakamadali ko, hindi na ako naka pag baon ng baril. Tanging isa lang." sabi nya. Mag sasalita na dapat ako ng may marinig akong kakaiba sa kanan ko'ng gawi.

Parang ungol?

Masama ang kutob ko sa naririnig ko. Baka mga zombies na yun. Hinila ko si kuya at tinahak namin papunta sa Gymnasium. Doon lang ang may shortcut papunta sa parking lot. May labasan doon sa loob ng Gymnasium. Ang labasan non ay kailangan mo pang dumaan sa soccer field tapos makakapunta ka na sa parking lot.

"Kuya, siguro naman dala mo yung kotse mo noh?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami. Tumango sya.

Kumapit ako sa braso ni kuya dahil nadudulas na ako. Madugo kasi yung flooring, isama mo pa yung mga organs na naka kalat flooring. Gusto ko na ngang pumikit nalang. Pero syempre hindi pwede. Lalo lang akong madadapa.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now