Zombie 22 part 2

10.4K 426 36
                                    


Zombie 22 part 2: Good Night

Megan's POV

"He's right. Pumapatay ako ng kakaibang nilalang na tao. For short, Zombie" malumanay​ ko'ng sambit habang kumukuha ng panibagong baril. Palihim akong napangisi ng maalala ko yung mga ekspresyon nila kanina. Fvcking priceless. Tss.

"But don't worry. We're here to help you all. Ililigtas namin kayong lahat" saad ni kuya. Kita ng pheriperal vision ko na tumango-tango sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ni kuya.

"Ghad! Hindi ko talaga inaakala na mangyayari to. It's so creepy. Grrr!" ani ni Patricia.

"Kaya pala hindi sila nag papalabas ng bansa dahil may zombies na pala doon" -Justin.

"Tomorrow morning, tuturuan namin kayong humawak ng mga armas huh" napatigil sila sa kakasalita ng mag salita si kuya. Pasimple akong tumingin at binalik ulit ang tingin sa hawak kong baril. Mukhang kinabahan at natakot sila sa sinabi ni kuya.

"Ayoko ng reklamador. Kung ayaw nyong humawak ng armas ay mas magandang umalis na kayo" walang emosyon ko'ng saad sabay kasa ng baril.

"A-ahh ganun b-ba?" -Nina.

"H-hindi! Gagamit k-kami ng baril! he-he-he" -Justin.

"Oh ayan, pumapayag na sila, bunso" nakangiting bulong sa akin ni Kuya. Bagot ko syang tinignan.

"Edi good" bored ko'ng sambit. Humagikhik lang sya at inakbayan ako.

"Ito naman~ bakit ba palagi ka nalang naka simangot. Ngumiti ka naman. Hmm~" bulong nya sabay kiss sa buhok ko. Mag sasalita na dapat ako ng may tumikhim sa likuran namin.

"Ehem" kumunot yung noo ko at tumingin sa likod. Pero nawala yung kunot ng noo ko at bigla akong natamlay ng makita kong sya lang pala yun. Saan ba sya nanggaling at bakit ganyan yung itsura nya? Gusot gusot na yung puting tshirt nya. Magulo din yung buhok nya na para bang bagong gising. Bagong gising?

"Saan ka galing?" malumanay kong tanong sa kanya at hindi pinansin yung masama nyang titig sa akin. Yes. Ang sama ng tingin nya akin and i don't know why. May sapak na yata. Nawala yung matalim nyang tingin at malamig akong tinignan.

"In your room" walang emosyon nyang sagot. Napataas yung kanang kilay ko. Sa kwarto ko?

"At bakit ka nanggaling sa kwarto ko?" paano nya nalaman kung nasaan yung kwarto ko? Trespassing yung ginagawa nya huh. Bakit sya pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam sa akin? Tss. Ibang klase.

"Natulog?" patanong nya pang sabi. Kumuyom yung kamao ko.

"Abat---" hindi ko pa pinapatapos yung sinasabi ko ng mag salita sya na ikinagulat ko.

"Bilisan mo dyan at hihintayin kita sa kwarto" bagot nyang sabi at umalis na. A-ano daw? hihintayin nya ako sa kwarto?

Pero agad akong bumalik sa ulirat ng may biglang bumulong sa tenga ko.

"Hindi ko alam na may boyfriend ka na huh~" bulong ni kuya. Sinamaan ko sya ng tingin at tinulak.

"Hell no!" inis na sambit ko. Ngumisi lang sya ng nakakaloko at tumango-tango.

"Sabi mo eh. So, matulog na kayo guys. Alam ko napagod kayo sa byahe. Ang boys sa room ko. Sa unang kwarto yun. Yung mga girls naman ay sa pinaka dulong kwarto sa guest room" saad ni kuya at nag simula na ulit na mag lagay ng bala sa mga baril. Pero bago sya magsimula ay tumigil muna sya sa akin na may ngiting nakakalokong naka paskil sa labi nya.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon