Zombie 26

8.4K 305 4
                                    

Zombie 25: Save them

Megan's POV

Bigla akong napaupo ng tuwid ng makita ko yung school bus sa katabing kalye. Pagewang-gewang ito ng andar na para bang nagkakagulo sa loob ng bus.

Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Mich at yung iba ko pang classmates na nag kakagulo sa loob. Sh*t. Sila pala yun.

Paano ba naman sila mahihirapan kung maraming humahabol sa kanilang mga zombies. Napadako yung tingin ko sa isang zombie na nakasabit pa sa bubong ng bus, tapos pilit nya pang sinusuntok yung bintana para mabasag ito.

Mukhang nahihirapan silang lumaban dahil maliit lang yung mga armas nila, tulad ng kahoy at kitchen knife.

"Megan help natin sila!" naiiyak na sambit ni Patricia habang nakatingin sa bus na kulang nalang ay tumaob na sa kalsada dahil sa sobrang pag-gewang ng pag takbo sa bus. Pati rin sila Nina, Yvonne at yung mga boys ay natataranta na din. Hindi ako nag salita at pumikit para maka pag isip ng plano.

Mga ilang sandali ay naka isip na ako ng plano. Ngumisi ako. Adventure time na. Tumingin ako kay Tyler na busy mag maneho ng kotse.

"Tyler, gumawa ka ng paraan para makatawid tayo sa kabilang kalsada" seryosong​ sambit ko at tumingin sa bus na patuloy pa rin sa pag gewang. Hindi kasi kami makadaan dahil may nakaharang na pader kaya hindi kami makalapit sa bus.

Hindi naman nag salita si Tyler at sinunod na lang yung utos ko. Bumilis yung takbo ng kotse kaya nalagpasan namin yung bus. Sa sobrang bilis ng takbo ng kotse ay napahawak ako sa braso ni Eren. Mukhang nagulat sya pero agad napalitan iyon ng nakakalokong tingin.

"Tyansing na yan" ngising sabi nya habang umiiling na parang hindi makapaniwala.

"Sira" inis kong sabi at binitawan sya.

"Mag ready na kayo. This time ay lalaban na tayo" seryoso ko'ng sambit na ikinagulat nila. Mukhang natatakot sila pero ngawa nalang tumango at ni-ready yung mga armas na gagamitin nila.

----

Mga ilang sandali ay nawala na yung pader na nakaharang sa kalsada kaya nakapasok na kami sa kabilang kalsada.

Mabilis mag patakbo si Tyler kaya nahahabol namin yung bus.

"Bilisan mo pa, Tyler!" sigaw ko. Sobrang bilis kasi mag patakbo ng bus. Marahil marami kasing humahabol sa kanilang zombies. Tsk. Saan ba sila nanggaling at bakit ang dami yatang humahabol sa kanila?

Tumabi sa akin si Nina at may hawak hawak syang isang dagger. Hinawakan nya iyon ng mabuti at hinagis papunta sa isang zombie na nakasabit sa bubong. Luckily ay natamaan nya iyon kaya nalaglag yung zombie.

Nang makalapit na yung kotse sa bus ay nag simula na silang bumaril sa mga zombies na humahabol. Huminga ako ng malalim at binuksan ko yung pintuan ng kotse. Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng hangin na humahampas sa balat ko.

Lalabas na dapat ako ng kotse ng hinawakan ako ni Eren sa braso.

"Fvck! Anong ginagawa mo babae?! Mag papakamatay ka ba?!" inis niyang sigaw. Umikot yung dalawang bilog ng mga mata ko at matamlay s'yang tiningnan.

"Kung mag papakamatay ako edi sana nagawa ko na noon pa diba? Tsk. Stupid" malumanay kong sabi at hinila ko yung braso ko sa pag kahawak nya. Masama nya akong tinignan pero hindi kona iyon pinansin at tinawag si Yvonne.

"Yvonne, i want you to come with me outside. Tatalon tayo papunta sa bubong at papasok tayo sa loob. Understand?" bagot kong saad. Napatigil sya sa pag tama ng pana sa labas at gulat akong tinignan.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now