Zombie 12 part 3

9.4K 403 6
                                    


Zombie 12 part 3: Argument

Continuation....

Patricia's POV

Tumatakbo kami ni Yvonne sa gitna ng hallway papunta sa Gymnasium. Narinig namin na doon magaganap yung masamang plano nila Mitch para kay Megan.

Kailangan namin silang pigilan!!

Walang ginagawang masama si Megan sa kanila pero bakit sila ganito? Naka kuyom yung dalawang kamao ni Yvonne habang tumatakbo kami sa gitna ng hallway. Marami na nga kaming nababanggang estudyante. Pero wala na kaming pakialam. Basta ang mahalaga mapigilan namin sila Mich.

Kapag nahuli kami ni Yvonne ng dating at may nagawa na silang masama kay Megan, alam kong may mangyayaring gulo. Sa itsura palang ng kapatid ko ngayon ay hindi na maipinta yung mukha. Mukhang sasabog na sya anytime.

---

Gymnasium

Nang makarating na kami sa gymnasium ay hindi namin nakita si Megan. Tanging yung mga classmates lang namin at yung mga taga ibang section.

Napangiti kami at nakahinga ng maluwag dahil may pag asa pa kami na mapigilan yung masamang balak nila. Pero agad nawala yung ngiting naka paskil sa labi namin ng mapadako yung tingin namin sa masangsang na dugo na naka kalat sa flooring. Meron ding mga gamit na umuusok na halatang nasunog.

Napansin namin si Justin na nakahawak sa panga nya. Naka ngiwi sya at halatang nasasaktan. Anong nangyari sa kanya?

Napansin din namin na nag tatawanan yung iba at nakatingin sa kanilang cellphone. Lumapit si Yvonne sa lalaking naka tingin sa sarili nyang cellphone. Nagulat yung lalaki dahil inagaw ito ni Yvonne. Mag sasalita na dapat yung lalaki na'ng sinamaan sya ng tingin. Gusto ko'ng matawa dahil namutla yung mukha ng lalaki, pero hindi ngayon ang oras para matuwa.

"Shit" rinig kong mura nya habang nakatingin​ sa screen ng phone. Kumunot yung noo ko at lumapit sa kanya para silipin din yung screen ng phone ng lalaki. Biglang nawala yung kunot ng noo ko ng makita ko kung ano yun.

Picture ni Megan na basang basa na kulay pula at wala pa syang pang ibaba. Shit nga! as in shit! anong ginawa nila kay Megan?!

Naputol yung tingin ko sa screen ng phone ng binigay ni Yvonne yung cellphone ng lalaki. Napalunok ako ng makita ko yung reaksyon nya. Naka tiim bagang sya at nanlilisik yung mata nya.

Hala!! Lagot!!!

Nilibot nya yung paningin nya sa palagid. Maya maya ay napadako yung tingin nya kay Justine na kasama yung katropa nya.

Mukhang hindi ok si Justine dahil sa itsura nya. Nakahawak sya sa panga nya at nakangiwi na parang nasasaktan. Napansin kong namumula na yung mukha ni Yvonne dahil sa sobrang galit ng nararamdaman nya.

Bakit kaya? tumingin ulit ako sa gawi ni Justine. Nang makita ko ay napangiti ako ng nakakaloko. Kaya pala. Naka lingkis kasi si Mich sa braso ni Justine. Mukha na nga syang higad sa ginagawa nya kay Justine.

Napa iling nalang ako. Sinilip ko yung katabi ko at laking gulat ko na wala na pala sya sa tabi ko. Hindi kaya.....

Muli akong tumingin sa gawing direksyon ni Justine. At tama nga ang hula ko. Nandoon na si Yvonne at naka kuyom yung kamao nya. Bago pa ako kumilos para pigilan sa gagawin ni Yvonne ay nahuli na ako.

Binigyan ni Yvonne ng malakas na sampal si Mich.

Oh ghad!!!!

Yvonne's POV

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα