Zombie 33

8.1K 328 7
                                    

Zombie 33: Being Coldhearted

Colbie's POV

Sumapit na ang umaga ay umalis na kaming lahat sa lumang bahay. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming lahat. Lahat ay walang nagsasalita. Tanging yung ugong ng makina ng bus lang ang naririnig ko.

Pilit ngang kinakausap nila Yvonne si bunso pero lumalayo lang si bunso na para bang wala syang narinig o nakasalubong. Kumbaga parang hangin lang na hindi nakikita.

Yung matamis nyang ngiti kaninang madaling-araw​ ay hindi ko na muling nakita. Bumalik na naman sya sa dating Megan na nakilala ko sa Amerika. Yung tahimik at may sariling mundo.

Wala na syang kinakausap. Parang iniiwasan nya na silang lahat. Masakit dahil parang kasama ako doon. Kinakausap ko sya pero puro tango lang ang binibigay nya sa akin.

Hindi ko naman sya masisisi dahil sobrang nasaktan​ yung kapatid ko sa nangyari. Naging mabait sya para sa amin. Naging masaya sya para sa amin at ang higit sa lahat ay tinaya nya sa kamatayan yung buhay nya para sa aming lahat. Pero ito lang ang nasuklian nya sa amin.

Palihim akong nagdadasal sa itaas na sana ay huwag itigil ni bunso yung mission nya. Dahil kapag ititigil nya yung mission ay uuwi na sya ng Amerika at hindi ko na sya makikita. Tinuring ko na syang kapatid kaya masasaktan ako ng lubos kapag iiwanan nya ako.

Pasimple akong tumingin kay bunso at nakita ko syang nakatingin lang sa bintana ng bus. Nag buntong hininga ako at umiwas ng tingin.

Parang nag lagay sya ng maskara sa mukha nya para hindi ko na ulit makita yung masayang mukha nya. Tanging yung mga mata nyang wala ng emosyon ang nakikita ko.

Megan's POV

Ramdam ko yung pag titig ni kuya sa akin pero hindi ko iyon pinansin at nakatingin lang ng diretso sa bintana. Mula sa bintana ay nakikita ko na yung mga lumang bahay. Mukhang malapit na kami sa Ilocos kaya makakapag paalam na ako kay Tito.

Mahirap gawin pero kakayanin ko. Para sa akin ito kaya gagawin ko.

* * *

Halos limang oras na ang nakakalipas ng makarating na kami sa Ilocos region.

Nanatili akong nakaupo habang sila naman ay masayang bumaba ng bus. Tahimik akong nakatingin sa bintana na kung saan makikita ko yung mga taong sumalubong saka nila​.

Bata o matanda ay binabati nila yung mga kasama ko. Kumunot yung noo ko ng makita kong maraming sundalong lumapit sa mga kasama ko at kinausap sila. Parang may hinahanap sila na hindi ko mawari.

Si kuya naman ay nauna ng lumabas dahil pupunta pa sya sa mainbase dahil nandoon daw ngayon si tito.

Nang makababa na ako ay bigla silang natahimik. Yung mga tao ay gulat na napatingin sa akin. Yung mga masasayang mukha nila ay napalitan ng gulat at pagkamangha.

Pero hindi ko na iyon pinansin at nilibot yung paningin ko sa paligid. Maganda din pala ang pinili nilang safe zone. Halos luma yung mga bahay dito at marami pang mga puno. Sa kabilang dako naman ay may ginagawang panibagong bahay. Parang sa Amerika lang. Marami sila at pare-pareho yung itsura ng bahay.

Sa di-kalayuan ay nakikita ko yung malaking gate na gawa sa semento. Malaking gate sya na kasing laki ng gusali. Ang gate na yun ay pasukan at labasan na ng safe zone. Doon papunta ang danger zone kung nasaan yung mga zombie.

Habang nililibot ko yung paningin ko sa paligid ay maraming lumapit sa aking sundalo.

"Magandang umaga​ Ms.Stainsfield" nakangiting pag bati nila. Hindi ako nag salita at malamig silang tinanguan.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now