Zombie 38 part 2

7K 245 12
                                    


Zombie 38 part 2: Hell Training

Yvonne's POV

Napapikit ako ng mariin at tinakpan ko yung mukha ko gamit yung unan ko dahil sa sobrang sakit sa tenga nung instrumentong ginagamit nila.

Kulang nalang ay ipasok ko na yung buong daliri ko sa loob ng tenga ko para lang hindi marinig yung nakaririnding instrumento nila pero hindi ko magawa dahil alam kong lalo lang nilang palalakasin.

Damn this bitches!!!

"Wake up girls!! I want you to wake up!!" sa boses nya palang malandi ay kilalang-kilala ko na kung sino yun.

Inis akong bumangon sa pag kahiga at masama silang tiningnan lalo na yung leader nila. Humahalakhak sila habang yung magaling nilang leader ay naka ngising naka tingin sa akin na para bang nang-iinis.

"Wag na wag mo kong titignan ng ganyan. Baka nakakalimutan mong iisa ako sa pinakamataas na sundalo dito. Isa kalang ordinaryong tao dito kaya wag kang maging maangas dyan" asik nya. Nag tiim bagang ako. Para sa akin hindi nararapat para sa kanila ang mataas na posisyon dito sa safe zone. Dahil ang mga katulad nila ay nararapat lang sa basurahan.

Pinutol ko yung tingin ko sakanila at binalingan ng tingin sila Nina at Yvonne. Tulad ko ay ganun din yung tingin ni Nina. Matalim yung mga mata nya habang nakatingin kela ANNE. Samantalang yung kapatid ko ay parang maiiyak na dahil mukha nabitin sya sa pag katulog.

Gusto ko na talagang matulog pero itong apat na malalanding dukha ay pumipigil sa aking pag tulog. 

Lumapit sila sa amin at pinagtutulukan kaming lumabas ng kwarto.

"Labas na! Kailangan nyo pang mag training sa training ground!" maangas na sabi ni Selena na tumutulak kay Nina.

Nang makalabas na kami ng kwarto ay bumungad sa amin yung apat na naka upo sa sofa at nanginginig dahil basang basa sila. Nangangatog yung mga katawan nila habang yakap yakap nila yung sarili nila.

"Anong nangyari sa inyo?!" gulat na tanong ni Nina habang pinapasadahan sila ng tingin. Hindi sila nag salita bagkus nakatingin lang sila sa isang direksyon. Kumunot yung noo ko at tumingin sa tinitigan nila.

Nakita ko yung apat na lalaking nakatayo at may hawak hawak silang mga timba. Alam ko na kung sino.

"Pasalamat nalang kayo at malamig yung binuhos namin sayo at hindi mainit" ngising sabi ni Angelo. Katulad din nila sila Anne. Matataas din yung mga ranggo nila sa military. Sikat silang mga sundalo dito dahil sa taglay na kagandahan at kagwapuhan ang meron sa kanila.

Patricia's POV

"Honey bunch!!!" gulat kong sabi at kumaripas ng takbo papunta sa boyfriend ko.

"H-honey b-bunch" nanginginig nyang tawag sa akin. Yayakapin ko na dapat sya ng umiling sya na para bang sinasabi nyang wag ko daw syang yakapin.

"N-no. Baka mabasa ka kapag n-niyakap mo a-ako" nag aalala nyang sabi habang yakap yakap nya yung sarili. Tumingin naman ako kela Justin at nakita kong masama silang nakatingin kela Angelo, Franz, Jason at Allan.

Napapikit ako ng mariin nung marinig ko uli yung nakakabibinging instrumento ni Anne.

"After 5 minutes dapat nasa training ground na kayo. Wag nyo na kaming hintayin pang pumunta dito para kaladkarin kayo papunta doon" mataray nyang sambit at tuluyan ng lumabas. Ganun din ang ginawa ng mga kasama nila. Pero nakakabwisit lang dahil hindi sila matigil tigil sa pag halakhak nila. Talagang natutuwa silang kawawain kami noh?

Nag buntong hininga ako at yumuko. Ang hirap talagang kinakawawa ka at hindi ka man lang lumaban pabalik sa kanila.

Bigla akong nagulat nung malakas na sinipa ni Yvonne yung basurahan. Pulang pula yung mukha nya na para bang anytime ay sasabog na sya.

"Fuck them for doing this to us!!!" galit nyang sigaw at padabog na pumasok sa loob ng kwarto. Hindi nalang kami kumibo sa sinabi nya dahil totoo naman. Fuck them talaga.

Totoo naman kasi eh. Na lagi kaming kinakawawa at hindi namin alam kung bakit. Ewan ko ba kung bakit lagi nila kaming pinag-iinitan eh wala naman kaming ginagawang masama.

Ewan ko nalang kung lalaban na pabalik si Yvonne kela Anne. Ang pinaka ayaw pa naman nya sa lahat ay yung BITCH. War freak pa naman yung babaitang yun.

Yvonne's POV

"100 push up's, go!" agad kaming pomosisyon at nag push up. Gusto kong mag mura na mag mura dahil kanina pa kami nag e-excercise. Tanghali na pero hindi pa rin kami tinitigilan.

Ang pinaka nakakainis sa lahat ay yung kami nalang walo ditong nag e-excercise sa training ground. Pero yung mga kasama namin kanina ay pinaalis na para kumain. Hello! ano ba kami? Diba kami tao para kumain din?

Sa sobrang dami ng pinapagawa nila Anne at Angelo ay parang nanghihina na yung katawan ko. Diba kapag nag e-exercise ka ay lumalakas yung katawan mo? pero bakit ganito yung sistema ng katawan ko? parang anytime ay babagsak na sa lupa.

Bigla akong nagising sa kawalan nung may bumuhos na tubig sa akin.

"Shit!" gulat kong sabi at napatayo ng dahil sa pag ka-gulat. Nagulat ako nung makita ko sa harapan ko si Anne na masama akong tinitigan.

"Ang bagal bagal mong kumilos! 200 push up's for you Salazar, now!!"

Nina's POV

Nag tiim bagang ako habang nag pu-push up. Gusto kong sugurin si Anne dahil sa ginagawa nya sa kaibigan ko. Tangina lang! Eh pinapahirapan nya yung tao eh! Gagu sya! mga hayup!

Gusto kong ipaglaban si Yvonne pero hindi ko magawa dahil baka mas lalong lumaki yung parusa kay Yvonne at baka madamay din sila Patricia.

Pasimple akong tumingin kay Justin at nakita ko yung pamumula ng mukha nya. Tulad ko ay parang ganun din si Justin. Gusto nya din ipaglaban si Yvonne pero pinipigilan nya lang yung sarili nya.

Habang nag e-exercise kami ay rinig na rinig ko yung mga tawanan ng tao. Pumikit ako ng mariin. Palagi nalang bang ganito ang mangyayari sa amin?

Hindi ko talaga alam kung bakit palagi nalang kaming ginaganito. Nagsimula lang ito nung mawala na si Megan.

----

Pag katapos ng exercise ay agad kaming pumunta nasa bahay para mag pahinga. Randam ko yung panginginig ng dalawang binti ko habang tinatahak ko yung kwarto.

Hindi na kami Naka kain dahil sobra na talaga ang pagod na nararamdaman namin ngayon.

Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay nakita kong bumagsak si Yvonne sa flooring.

"Yvonne!!!" gulat na sabi ni Patricia at nag mamadaling lumapit sa kapatid nya. Agad din naman akong lumapit kay Yvonne na walang ka malay malay.

Lumapit din si Justin at binuhat si Yvonne. Dinala ni Justin si Yvonne at kami naman ay sumunod lang.

Nang maihiga ni Justin si Yvonne sa kama nya ay ako naman ang lumapit para dapuin yung leeg nya. Ang init nya.

"Pat, Jai kumuha kayo ng bimpo at maligamgam na tubig. May lagnat sya"  nag aalalang saad ko. Tumango naman sila at nag mamadaling lumabas ng kwarto. Sila Eren at Tyler naman ay pagod na humiga sa kabilang kama. Mukhang hindi na rin nila kinaya ang pagod.

* * *

A/N

Ayan nag update na ako para sa inyo Hunters! Sana mag Enjoy kayo kahit matagal akong mag update!!

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon