Zombie 13

10K 426 9
                                    


Zombie 13: Oh No!!

Megan's POV

Huminto ako sa pag lalakad at sumandal sa poste. Ko-konti nalang ang nakikita kong kotseng dumadaan sa kalsada. Masyado na kasing gabi.

Tanging nag pa-paliwanag nalang sa paligid ay yung ilaw ng posteng sinasandalan ko.

Nilabas ko sa loob ng jacket ko yung dagger. Habang pinagmamasdan ko yung dagger ay nag lalaro sa isip ko yung tungkol sa mastermind.

Saan ko kaya makikita yun? kung nandito man ang mastermind ay sana huwag naman nyang idamay yung mga taong naninirahan dito. Tanging ang Pilipinas nalang ang maayos na lugar.

Bumalik ako sa realidad ng may marinig akong kalabog mula sa eskinita. Agad kong tinago yung dagger sa loob ng jacket ko at muling tumingin sa eskinita. Wala akong makita dahil masyadong madilim na doon.

May naramdaman akong kakaiba kaya pumunta na ako doon. Habang papalapit ako sa eskinita ay may naririnig akong ungol ng isang tao. Kahit na may bumubuo sa utak ko ay patuloy pa rin akong tumuloy sa maliit na eskinita. Nang maka pasok na ako sa eskinita ay may naaninag akong isang bulto ng tao. Para syang lasing kung mag lakad. Hindi ko naman makita ang itsura ng lalaki dahil nakatalikod ito.


"Hey!" sigaw ko. Huminto sya sa pag lalakad at dahan-dahang​ tumalikod para maharap ako. Nanlaki yung mga mata ko at napaatras.

Hindi pwede!!


*GROWN*


May naka pasok na zombie dito? Kailan pa? Paano?

Bago ko pa kunin yung dagger sa loob ng jacket ay agad akong dinambahan ng zombie. FVCK!

Palapit na dapat yung mukha nya sa leeg ko ng sakalin ko sya. Napangiwi ako dahil ang lagkit ng leeg nya dahil sa sobrang dami ng dugo na naliligo sa leeg nya.

Malakas kong tinuhod yung sikmura ng zombie kaya napalayo sa akin yung zombie. Ngumisi ako at nilabas yung dagger. Susugod na dapat yung zombie ng maunahan ko na.

Umilag-ilag pa ako sa dalawa nyang kamay na dapat akong hahawakan. Nang mailag ko yung mga kamay ay mabilis kong sinabunutan yung buhok ng zombie. Habang yung isa kong kamay na may hawak na dagger ay malakas ko'ng isinaksak sa panga ng zombie. Napapikit ako dahil tumalsik sa akin yung dugo ng zombie.

Nag buntong hininga ako at binitawan yung zombie. Pinasadahan ko ng tingin ng damit ko. Kanina dugo ng baboy, ngayon naman dugo ng zombie? Tss....

Kinuha ko yung phone ko sa loob ng pantalon ko at dinail yung number ni Kuya. Isang ring palang ang nakakalipas ay agad nya yung sinagot.

[ Fvck! Fvck!! Nasaan ka?! Alam mo bang pinag alala mo ako?! Kung hindi ka pa nakatawag ngayon ay baka nag patawag na ako ng mga sundalo sa mainbase para lang mahanap ka!!!" naka ngiwi akong nilayo yung screen ng phone sa tenga ko. T*ngina parang naka kain ng mega phone si kuya.

"Shut up kuya!! I need your g*ddamn help here. Mag pasama ka na din ng alalay kapag pumunta ka na dito sa **** street" mariin ko'ng sambit habang tinitingnan yung zombie.

[Ano? Bakit kailangan pang mag pasama? Atsaka anong nangyari?] nag tataka na may kasamang kaba nyang tanong.

Nag buntong hininga ako. "Delikado na tayo, kuya"

****

House

Colbie's POV

Naka sandal ako sa gilid ng pinto. Pinag mamasdan ko lang si Megan na naka sandal sa head board ng kama. Mukha syang binagsakan ng langit at lupa sa itsura nya.

T*angina. Nag sisisi akong hindi pumasok kanina. Kung pumasok sana ako kanina edi sana na ipagtanggol ko pa sya sa mga taong nang bu-bully sa kanya.

Pinaglaruan nila ang pinsan ko for petes sake! Mag tatawag na sana ako ng mga sundalo sa mainbase para ipadala sa School para maparusahan yung mga nanakit kay Megan pero pinigilan nya ako at hindi ko alam kung bakit. Sa binibigay nyang tingin ay parang may hindi magandang mangyayari.

Nag buntong hininga ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya at binigay sa kanya yung gatas na ginawa ko lang kanina. Tipid syang ngumiti sya at kinuha iyon.

Habang umiinom sya ng gatas ay naka tingin lang sya sa kawalan. Mukhang ang lalim ng iniisip nya. Siguro tungkol sa school o sa nangyari kanina sa kalsada.

Yung nangyari sa kalsada ay ginawa ko yung utos ni Megan. Nag pasama ako ng mga sundalo. Laking gulat ko nung may makita akong zombie. Nag aalala pa nga ako na baka nakalmot si Megan o nakagat. Pero nakahiga naman ako ng maluwag na hindi naman sya na infect.

Yung zombie naman ay pinadala ko sa main base at pag aaralan yun ng mga scientists. Pinacheck ko na din yung buong area kung saan naka kita ng zombie si Megan. Pero wala naman kaming nakitang kakaiba, except sa zombie na napatay ni Megan. Kaya nag tataka kami kung bakit nag karoon ng zombie.

Back to reality.

"Wag kang mag alala. Ako na ang bahala sa kotse mo. Papagandahin natin yun. Tiwala lang, bunso" naka ngiti kong sambit. Napa hinto sya sa pag inom at dahan-dahang tumingin sa akin. Nag tataka ako sa mga binibigay nyang tingin. May nasabi ba akong mali?

"Pakiulit nga y-yung sinabi mo sa a-akin kuya" nauutal nyang sabi. Kumunot yung noo ko.

"Pagagandahin ko yung kotse mo kaya wag kang mag alala" naka kunot ko'ng sabi. Ang weird naman yata ni Megan ngayon. Sigurado ba talaga sya na hindi sya na infect ng zombie?

"N-no! you call me bunso! Can you say it again for me? Please" nag mamakaawa nyang sabi. Binaba nya yung basong wala ng laman at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"Say it again. Please" malungkot nyang saad. Bakas yung pangungulila at lungkot sa kulay asul nyang mga mata na nakatingin sa akin. Lalong lumukot yung mukha ko. Nagustuhan nya ba na tawagin ko syang bunso? Hindi ko nga rin alam kung bakit natawag ko s'yang ganun. Hindi ko alam pero komportable ako na tinawag ko na bunso.

Nag buntong hininga ako at napa iling. Ngumiti ako ng matamis at hinigpitan yung pag kahawak sa kamay nya.

"Bunso?" patanong ko pang sabi. Na we-weirduhan kasi ako sa asta nya. Akala ko ipapaulit nya pa sa akin na tawagin ko syang bunso pero hindi. Laking gulat ko ng bigla nya akong niyakap.

"Ang sarap pakinggan na tawagin mo akong bunso kuya. Simula ngayon mag kapatid na tayo" masaya nyang sabi. Hindi ko maiwasang mapasinghap ng dahil sa gulat. This is the first time na makita sya na ganito kasaya. Nang dahil lang sa tinawag ko syang bunso ay parang lumiwanag yung madilim at walang emosyon nyang mukha. Humiwalay sya ng yakap sa akin at hinawakan ulit yung mga kamay ko.

"Thank you kuya. Salamat dahil nandyan ka sa tabi ko. Huwag mo kong iwan huh?" naka ngiti nyang tanong. Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi nya. Nag papasalamat din ako na tinanggap nya ako sa buhay nya. Na tinuring nya akong pamilya. Akala ko habangbuhay nalang malayo ang loob nya sa akin.

"Pangako ko. Hindi kita iiwan. Thank you din na tinanggap mo ako sa buhay mo.... bunso" Naka ngiti kong saad. Simula ngayon, mararamdaman ko na ang pakiramdam na may kapatid. Only child lang naman kasi ako.

Lalo akong napangiti dahil sa wakas ay nakita ko syang ngumiti. Nakita ko na din sa wakas ang tunay na ngiti ni Megan Stainsfield. Ang akala ko hindi sya marunong ngumiti. Pero hindi pala. May softside din pala sya.

Nakikita ko sa kanya ang kuya nya. Ang bestfriend ko simula nung bata pa ako. Nakilala ko si Derrick nung grade One ako. Mag ka-klase kami ng buong grade level hanggang sa highschool level. Nag ka hiwalay lang kami nung tumungtong na kami ng kolehiyo. Nasa private school ako habang sya na naman ay nasa mababang eskwelahan.

Naging mahirap sya nung namatay na sila Tita Mary at Tito Cipriano. Ang huling kita ko sa kanya nung ma-kapag tapos na ako ng criminology. Nag ki-kita-kita naman kami kaso paminsan minsan lang dahil nagi-ging busy na kami sa kanya-kanya naming mga trabaho.

Tinuring ko ng kapatid si Derrick dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Kaya masakit para sa akin na maranig na namatay na pala sya. Ang bestfriend ko.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now