Zombie 21

10.6K 410 20
                                    



Zombie 21: Mysterious Megan




Nina's POV



Bago kami sumabay kela Megan ay niyakap ko muna si Bianca at Sandy. Ganun din yung ginawa ng dalawa. Yung mga boys naman ay nauna ng lumabas. Tch. Hindi man lang kami hinintay. Tss...



"Bianca, Sandy. Sorry talaga, kailangan namin na sumama sa kanila. Sorry talaga" malungkot ko'ng saad. Sasama si Pat at si Yvonne kaya kailangan ko ding sumama. Oo, matalik kong kaibigan si Bianca at si Sandy. Pero mas malapit sa akin si Yvonne at si Pat. Parang mga kapatid na yung turing ko sa dalawang yun.



Ngumiti si Bianca. "Ok lang sa amin yun. Atsaka mag kikita pa naman tayo sa Ilocos kaya wag kang mag alala. Sorry din dahil hindi ko kayo masasamahan sa labas" naka ngiti nyang saad.



"Mag ingat kayo huh! Mamimiss ko kayo! except sa'yo Mich!" ani ni Patricia sabay duro kay Mich. Tinarayan lang sya ni Mich at nag cross arms.



"Tigil na yan. Halika na" saad naman ni Yvonne at umalis na. Isa pa yun! Hindi man lang marunong mag hintay! Lukaret talaga kahit kailan.



"Mag ingat kayo dito huh. Paalam" sabi ko at niyakap ulit silang dalawa. Tumingin ako kay Patricia at sinenyasan na umalis na. Tumango sya at sabay kaming umalis.



Sana lang talaga, maging ligtas sila. Lalo na sila Bianca at Sandy.



* * *



Megan's POV




PARKING AREA



"Gamitin mo to para proteksyunan mo yung sarili mo" walang emosyon ko'ng sambit at inabot kay Eren yung baril. Tahimik nya yung kinuha habang patuloy kaming nag lalakad sa madilim na lugar ng parking area.



Nag bigay naman ako ng baseball bat kay Patricia dahil hindi naman daw sya sanay na humawak ng baril. Si Nina naman ay may hawak na palakol. Yung mga lalaki naman ay binigyan ng tig-iisang baril ni kuya.



Tahimik kaming nag lalakad sa parking area. Pero parang mahihirapan yata kami dahil wala pa kaming makitang kotse. Ang dilim pa ng paligid.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon