Zombie 34

8K 326 46
                                    


Zombie 34: Broken Eren

Patricia's POV

Tumatakbo ako papunta sa dorm namin ni Yvonne at Nina. Galing ako sa tinitirahan ni Megan. Narinig ko sa mga sundalong nag babantay doon na uuwi na daw ngayong araw si Megan sa Amerika.

Kailangan malaman ito ng buong grupo para mapigilan ang pag alis ni Megan!

---

Nang makarating na ako sa dorm ay nakita ko si Jai na nakaupo sa sofa at nanonood ng Tv. I forgot to tell you na mag kakasama pala kaming grupo sa isang bubong. Pero mag kahiwalay kami ng kwarto syempre. Sila Bianca naman ay nasa kabilang building pa.

Para na ngang bahay itong tinitirahan namin eh.

"Jai, nasan sila Yvonne at Nina?" nag mamadali ko'ng tanong. Naputol yung tingin nya sa Tv at tumingin sa akin.

"Nasa kwarto. Teka, saan ka ba nanggaling? Pati rin si pareng Eren hindi ko din makita. Saan ba kayo nag sisipunta at hindi nyo ako sinasama?" naka ngusong tanong nya. Aww. Ang cute naman ng baby boy ko. I want to pinch his nose pero wag muna ngayon.

Umalis ako sa harapan nya at pumunta sa kwarto. Naramdaman ko naman na sumunod sya sa akin papunta sa kwarto.

Nang pag kapasok ko ng kwarto ay nakita ko si Nina na nakahiga sa kama nya at nakatingin lang sa ceiling. Mukhang ang lalim ng iniisip nya. Habang si Yvonne naman ay nakasandal sa head board ng kama nya at nag babasa ng libro.

"Guys!" tawag ko sa kanila. Nakuha ko naman yung atensyon nila.

"Oh?" -Yvonne. Si Nina naman ay naka kunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"I have something to tell you, it's important!" ani ko habang nakahawak sa sintido ko na para bang na mo-moblema. Lalong lumukot yung noo nila na parang naguguluhan sa akin.

"Ano bang sasabihin mo honey bunch?" naguguluhang tanong ni Jai. Gusto ko sana syang salpukin dahil lagi nya nalang akong tinatawag na honey bunch. Hindi naman kami! Pinapaasa nya lang ako eh. Hmph.

"Tawagin mo muna yung mga kaibigan mo at papuntahin dito. Dali!" pag tataboy ko sa kanya. Napakamot nalang sya sa batok nya at lumabas ng kwarto. Tumayo si Nina at nag tatakang lumapit sa akin.

"Ano bang problema Pat? Bakit kailangan pang kasama yung mga boys?" naguguluhang tanong nya.

"BASTA!" sabi ko habang nag lalakad sa harapan nya at kagat kagat yung dulo ng kuko ko. Napailing nalang sya at umupo sa paanan ng kama nya.

Mga ilang sandali ang nakalipas ay dumating na yung mga boys. Naka kunot din yung mga noo nila at parang nagtataka din kung bakit ko sila pinapunta dito.

"Anong meron?" hikab na tanong ni Tyler. Mukhang bagong gising sya. Magulo yung buhok at damit nya. Kinusot kusot nya yung isang mata nya at humiga sa kama ni Nina. Habang si Justin naman ay tumabi lang kay Yvonne.

"Ano na sasabihin mo?" tanong ni Jai. Bago ako mag salita ay hinanap ko muna si Eren at nakahinga naman ako ng maluwag nung makita ko sya.

Nakatayo sya sa pintuan. Matamlay syang umupo sa upuan ng study table. Sumandal sya sa sandalan ng upuan at pumikit.

Nag buntong hininga ako at muling tumingin saka nilang lahat na mukhang naiinip na.

"Aalis na si Megan, ngayon na mismong araw" malungkot ko'ng sabi saka nila. Napaupo sila ng maayos at nanlaki yung mga mata nila na napatingin sa akin.

"What?!" napapikit ako at napahawak sa tenga ko dahil sabay-sabay pa silang sumigaw. Nagulat ako ng may humawak sa isang braso ko at nakita ko yung madilim na mukha ni Eren.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now