Panimula

15.6K 114 3
                                    

Tula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na.

Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka bukas siya ay nasa iyo ng bisig.

Tula para sa mga taong mahahalaga, tula na iaalay para sila'y mapasaya, at tula na mananating sila ang bida

Tula para sa bawat istorya, tula na may malalalim na rason kung bakit nailathala at tula para pulutan ng aral at pag-asa.

Ang Spoken Poetry (Tagalog) ay pinalolooban ng mga inilathala kong akda gamit ang masining na pagsulat ng tula. Ito'y pinaghalo-halong tulang tumatalakay sa pagmamahal at pagmumulat sa ating kapaligirang ginagalawan.

Sana'y inyong magustuhan at inyong suportahan. Maraming salamat😊

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon