Minsan mo na rin bang natanong ang bakit?
Minsan ka na rin bang napaisip at napapikit
Sa hirap nitong katanungan
Na nagpagulo sa iyong isipan?Ang daming tanong na binabato ng mundo
Sigurado ako, isa ka na rin dito
At masasabi ko, kahit ako
Ay natanong na rin ang mga itoBakit pa ba magmamahal muli,
Kung masasaktan lang ulit sa huli?
Siguro dahil pagmamahal ay ating kailangan
Ito ay nagbibigay sa atin ng kaligayahanKaya handa tayong sumubok muli
Kahit hindi alam ang pwedeng mangyari
Kahit maiwan man sa huli
Kahit masaktan ng sobra ang sariliHanda itong tiisin
Lungkot ay papawiin
Mga pagaalinlangan ay aalisin
Para lang sa taong mamahalinBakit pa ba lumalaban
Kung sa huli ay susuko din naman?
Marahil atin lang sinusubukan
Kung hanggang saan ang ating kakayahanKung atin pa ba itong kakayanin
O baka posible pa kasing may magbago
Pero dahil sobra na ay bibitaw din
Lakas ng loob ay tuluyang maglalahoBakit pa ba umaasa,
Kung wala naman talaga?
Siguro ating iniisip na baka pwede naman talaga
Baka pwedeng magtugma ang nadaramaIniisip kasi natin
Na kung ito ay ating ipagpapatuloy
Ay baka tayo'y magustuhan din
At pagibig ay magumpisang dumaloyBakit pa ba sinusubukan,
Kung alam naman ang kahahantungan?
Baka dahil tayo ay umaasa
Na ang daloy ng ating istoryaAy posibleng maging maganda
At ito ay tuluyang magiba
Mga di magandang pinagdaanan
Ay hindi na muling mararanasanNgunit sa dinami-rami ng sinabi ko
Hindi parin ito ang sagot sa bakit mo
Kahit ikaw ay nalinawan na dahil dito
Ikaw at ikaw lang ang makakasagot nitoMahirap masabi kung kailan
Hindi tiyak ang ating orasan
Marahil hindi pa ngayon
Pero sigurado sa tamang panahonSa pagsikat ng araw
Na may dalang liwanag
Ang bagong pagasa ay lilitaw
Sagot sa bakit ay maaaninag
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...