NAKITA KO NA

736 1 0
                                    

(NAKITA MO NA BA? PART 2)

Muli kong itatanong sayo
Patawad kung paulit ulit ito
Pero nakita mo na ba?
Kasi ako, nakita ko na

Hinintay ko ang sagot mo
Hinintay ko na makita mo ako
Yung pagmamahal na inalay sayo
Yung mga bagay na handang isakripisyo

Hinintay kita
Ganyan kasi kita kamahal, sobra na nga yata
Pero ako, minahal mo rin ba?
Sa tingin ko, hindi naman talaga

Noong panahong kasama kita
Naging masaya ako ng sobra
Kahit sayo, pangkaraniwan lamang ang ganoon
Balewala lang naman sayo ang lahat ng iyon

Siguro hindi mo parin talaga nakikita
Pero kasi, ngayon ay nakita ko na
Nakakatawa kasi naunahan pa kita
Wala eh, masyado ka kasing nakatuon sa iba

Yung di mo makita noon
Nakita ko na ngayon
Yung halaga ko, na nais ipakita sayo
Ngayon ay nakita ko, sa panahong wala ka sa tabi ko

Nakita ko na
Posible din pala akong maging masaya
Posible palang mahanap rin ito sa iba
Akala ko kasi noon hindi na

Nakita ko na
Sayo'y nagmumukang tanga lang pala
Mahalaga lang ako kapag malungkot ka
Kakausapin lang ako pag wala ng iba

Nakita ko na
Ang daan para makawala
Malapit ko ng maabot
Ang pagmamahal na iyong ipinagdamot

Pero kahit nakita ko na
Tila bakit ako'y nagdadalawang isip pa
Gusto parin kitang hintayin
Baka kasi onti nalang, iyo ding mapansin

Nakita ko na
Pero ikaw, makikita mo pa kaya?
Kaya bago matapos ang aking tula
Aasa parin ako na baka makita mo pa

Muli, sana makita mo na
Pakiusap, buksan mo hindi lamang ang iyong mga mata
Sana'y buksan rin ang iyong puso
At hayaang makapasok pati sa buhay mo

Spoken Poetry (Tagalog)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora