ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA?

2.3K 18 0
                                    

Naaalala mo pa ba?
Kung paano tayo nagsimula?
Kung paano ang nararamdaman natin ay nagtugma?
Kung paano naging masaya sa piling ng isa't isa?

Ang dami nating alaalang dalawa
Mga alaala na hanggang ngayon ay nasa isip ko pa
Ang saya saya natin noon,
Ngunit anong nangyari ngayon?

Anong nangyari sa ating dalawa?
Bakit pagmamahal mo'y naglaho na?
Para kang bula sa bilis mong mawala
Ako tuloy ngayo'y naiwang nagiisa

Anong nangyari sa ating dalawa?
Anong nangyari sa pangako para sa isa't isa
Bakit hinayaan mong magkaganto tayo?
Bakit ang bilis mo namang sumuko?

Para tuloy akong tanga
Naghihintay kubg babalik ka pa
Kung maayos pa natin itong dalawa
Baka kasi pwede pa?

Babalik ka pa nga ba?
Sabihin mo naman kung hindi na
Para hindi na ako umasa pa
At tuluyan ko ng makalimutan ka

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now