Lahat tayo'y may iba't ibang istorya
Minsa'y malungkot at minsan din ay masaya
Pero madalas ang katotohana'y sinosolo na lamang
Sa madla'y pinipilit na itago nalangMinsan sa mga bagay ay wala tayong alam
Minsan sa sobra nating manhid ay hindi din natin ramdam
Sa ibang tao'y minsan wala ng pakielam
At sa bawat buhay na ating hiramOo nakangiti siya
Pero lingid sa kaalaman ng mga tao sa paligid niya
Mayroong siyang mabigat na pinagdadaanan
Pero pinipilit lamang niyang labananOo nakangiti siya
Marahil walang bakas ng luha ang kanyang mga mata
Na posibleng natulugan niya at natuyo na
Kasabay ng pagsapit ng umagaOo nakangiti siya
Pero natanong mo ba kung siya'y ayos lang talaga?
Kung ang ngiti niya ba'y nangangahulugan ng saya
O baka panakip lamang sa tunay niyang nadaramaOo nakangiti siya
Pero nakita mo ba ang mapupungay niyang mga mata?
Nakita mo ba ang nais ipahiwatig ng mga ito?
Na di kalauna'y posibleng luha'y muling tumuloMarahil nga'y nakangiti siya
Pero hindi lahat ng nakangiti ay masaya
Hindi lahat ng tumatawa ay magaan ang nadarama
At hindi lahat ay kayang tumagal paKung wala ka sa parehong sitwasyon
Hindi mo malalaman kung gaano kahirap harapin ang tensyon
Kung gaano kahirap mag-isip ng desisyon
Lalo na't panghuhusga ang posibleng matamo sa kabila ng lahat ng iyonMarahil minsan makikita mo ang galak at saya
Pero hindi parin ito ang tunay na basehan ng isang istorya
Hindi basehan ang lahat ng nakikita
Kundi ang mga bagay sa likod ng lahat ng ipinapakita
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...