PAGIBIG NG ISANG INA

19.6K 92 2
                                    

Pagibig nila ay kakaiba
Para sa atin sila ay nagiisa
Lahat ay gagawin nila
Para sa kanilang pamilya

Pagmamahal nila'y walang kapantay
Sa buhay natin sila'y kaagapay
Puso nila'y puno ng pagunawa
Sila'y likas na mapagpasensya

Sila ang nagbigay sa atin ng buhay
Pagmamahal nila'y totoo at tunay
Sila ang nagbibigay ng kulay
Kapag tayo ay nalulumbay

Siya ay laging makikinig sayo
Iintindihin ang pinagdadaanan mo
Hindi mapapagod magbigay ng payo
Kahit minsan hindi sinusunod ang mga ito

Minsan ma'y sila'y nagagalit
At mga sinasabi'y nakakasakit
Ngunit ito ay para sa atin
Kaya dapat natin silang intindihin

Kapag ikaw ay may bagay na gusto
Ibibigay niya ang mag ito
Huwag ka lang magtampo
Dahil tanging hangad niya'y kaligayahan mo

Magalinlangan man ang iba
Sa kakayahan na meron ka
Ngunit siya ay naiiba sa knila
Dahil sayo siya'y may tiwala

Susuportahan ka sa lahat bagay
Pangangailanga'y laging ibibigay
Sila'y madaling lapitan
At laging makakapitan

Yan ang pagibig ng isang ina
Ang pagibig na tanging nagiisa
Pagibig na hindi kayang ibigay ng iba
Pagibig nasa kanila lamang nagmumula.

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon