WALA AKONG KWENTA

2.7K 13 0
                                    

Sa mundong ginagalawan ko
Aking tuluyang napagtanto
Na wala talaga akong kwenta
Wala akong halaga

Wala akong kwenta
Katulad nalang ng sinasabi ng iba
Wala akong kwenta
Base sa pinaparamdam nila

Hindi mo yan kaya
Wala ka naman kwenta
Ilan lang yan sa sinisigaw ng mundo
Mga salitang nakakapanghina ng puso

Oo wala akong kwenta
Kahit anong gawin ko
Hindi parin makikita ang magaganda kong ginagawa
Hindi parin ako tatanggapin ng buo

Wala akong kwenta
Ang bagay na to ay tuluyan ko nang tinanggap
Tanggap ko na, wala akong kwenta
Ayoko nang magpanggap

Dahil ito ang totoo
Ayoko ng lokohin ang sarili ko
Alam ng aking puso
Alam ko at tanggap ng buong buo

Wala akong kwenta
Wala akong kwenta, kung hindi dahil sa kanya
Wala akong kwenta
Kung hindi dahil sa pagmamahal niya

Wala akong kwenta kung hindi ko siya makikilala
Kung hindi ko mararanasang mabuhay ng kasama siya
Kung hindi siya tatanggapin ng aking puso
Ako ay tuluyang magiging walang kwenta at alipin ng mundo

Wala akong kwenta
Kung hindi ako makikinig sa kanya
Wala akong kwenta
Kung hindi ako maniniwala sa kanya

Wala akong kwenta
Ngunit minulat niya ang aking mga mata
Upang aking tuluyang makita
Ang tunay kong halaga

Pinatunayan niya
Na hindi mahalaga ang sinasabi ng iba
Hindi ko kailangang makinig sa kanila
Hindi sila ang basehan ng aking halaga

Wala akong kwenta
Pero kanyang pinaramdam na hindi ako nag-iisa
Wala akong kwenta
Pero ginagabayan niya ako sa lahat ng aking ginagawa

Wala akong kwenta
Pero para sakin, buhay niya ang naging kapalit
Wala akong kwenta
Kung sa kasalanan ay patuloy akong babalik

Wala akong kwenta
Nagkakasala at gumagawa ng masama
Pero ako ay napiling mahalin niya
At ito ay kanyang napatunayan na

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now