ITATAGO NALANG

3.5K 20 1
                                    

Ika'y palihim kong pinagmamasdan
Iyong mukha'y lihim na sinisilayan
Hinihintay na mamutawi sa iyong labi
Ang mga nakakabighani mong ngiti

Sa bawat pagkakataon
Na mata nati'y nagtatagpo
Puso ko'y parang gustong tumalon
kilig na nararamdama'y hirap maitago

Palihim kitang naging inspirasyon
Nagkaroon ng determinasyon
Na sumulat ng tula
At ikaw ang naging tema

Sa bawat araw na kasama ka
Ay mas lalong nahuhulog sayo
Hindi ko alam kung makakaya pa
Na itago ang nararamdaman ko

Ang hirap naman kasi nito
Ang hirap ng sitwasyon ko
Ako'y nahulog sa isang tao
Na dapat kaibigan lang ang itrato

Ako ay naguguluhan
Anong mangyayari sa atin?
Anong mangyayari sa ating pagkakaibigan
Kung ito ay aking aaminin

Siguro hindi ko nalang sasabihin
Kahit ito'y gusto ng ilabas ng damdamin
Hindi ka na lang guguluhin
At aking lugar ay aalamin

Itatago nalang ang aking mga ngiti
Sa tuwing tayo ay nagkakatabi
Itatago nalang ang kilig na nadarama
Sa tuwing ikaw ay nakakasama

Itatago nalang itong aking nararamdaman
Magpapanggap nalang na parang wala lang
Dahil ayokong ito ang maging dahilan
Ng pagkasira ng ating pagkakaibigan

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now