BAKIT KA GANYAN?

2.6K 10 1
                                    

Sa unang beses kitang nakita

Tila may sadyang kakaiba

Mga mata sayo'y di maalis
Tibok ng puso ko'y kay bilis

Sa bawat araw na dumaraan
Tila may ibang nararamdaman
Ang aking simpleng pagtingin
Ay unti unti ng lumalalim

Ako'y sadyang naguguluhan
Hindi ko lubos malaman
Kung ako'y nahihibang na
O sadyang nahulog na nga

Naririnig mo ba ang tibok ng aking puso?
Sinisigaw ang pangalan mo
Di ko maipaliwanag itong damdamin
Na parang ikaw ay laging hahanaphanapin

Bakit ka ganyan?
Hindi ko maintindihan
Kung ano ba itong dulot mo sa akin
May kung anong kakaiba sa damdamin

Bakit ka ganyan?
Bakit ko ba ito nararamdaman?
Bakit hindi ko mapigilan ang kilig
Sa tuwing sayo'y mapapatitig

Bakit ka ganyan? Nakakabaliw ka
Kapag papalapit ka na
Tila agad akong natataranta
Katawan ko'y nanginginig ng sobra

Sa tuwing makakatanggap ng mesahe mula sayo
Tila nabubuhayan ako
Ang sarap sa pakiramdam
Ng ganitong nararamdaman

Kung ano man ito,
Kung bakit ka man ganyan
Isa lang ang sigurado ako
Sa iyo ay meron akong nararamdaman

Spoken Poetry (Tagalog)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ