KATHANG ISIP

3.6K 12 1
                                    


Ang hirap naman pala nito
Akala ko sapat na yung ganito
Ayos na eh, masaya na tayo
Pero bakit bigla nalang nagbago?

Hindi ko lubos maisip
Tila lahat ay para paring panaginip
Sa kasiyahan ay masyado akong natuon
Ngunit iba na ang kahapon sa ngayon

Teka dapat ko nga bang sabihin may nagbago?
Kung lahat ng ito ay hindi naman totoo
Kung lahat ay kathang isip lamang
At ang tanging nakapansin ay ako lang

Kathang isip lang pala ang lahat sa atin
Lubos na umasa ang puso't damdamin
Ngunit gaya ng iyong hiling
Distansya mula sa iyong piling

Ngayon ay akin ng ibibigay
Sa piling mo ay pipiliting mawalay
Kahit hindi na ako sanay
Sa agos ng tadhana ay sasabay

Sarili ko'y sinaktan ko lang
Dahil sa mga kathang isip kong ito
Ang tanging magagawa ay lumayo nalang
Kalilimutan ang mga alaalang nabuo

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now