NATAPOS BIGLA

2K 14 0
                                    


Ito nanaman,
Nasaktan nanamang muli
Tila paulit ulit nalang ang karanasan
Tila masyado nang nasanay ang sarili

Ang daya mo naman
Bakit kay bilis nawala
Ni hindi pa nga nasisimulan
Pero sumuko ka na

Parang isang pangungusap na walang buong diwa
Dahil hindi sinasadyang matuldokan bigla
Parang pagbaba mula sinasakyan
Na hindi pa nakarating sa patutunguhan

Natapos bigla
Na hindi man lang nasubukan
Hindi man lang nakita
Ang pwedeng kahahantungan

Ng nasimulan nating dalawa
Dahil may takot na nararamdaman
Kaya walang nagawa
Kundi ang tapusin nalang

Natapos bigla
Ngunit mas mabuti na ito
Kaysa ito ay magtagal pa
At masaktan lang ng todo

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon