SHARE MO LANG

1.3K 4 0
                                    

May napanood akong nakakatawa
Sa sobrang kong saya
Tila gusto kong ibahagi sa iba
Kahit medyo may kalokohan itong dala

Muli akong nabigyan ng pagkakataon
Naging masaya ako ngayon
Nais kong ibahagi ang dahilan
Ikaw ang napili kong pagkwentuhan

May nalaman akong bagong kanta
Ang sarap nito sa tenga
Madali lang sabayan ang tyempo
Madaling kabisaduhin ang liriko

Kinabisado ko ito
Dahil gusto kong iparinig sayo
Alam kong magugustuhan mo
Kaya ibinahagi ko

Paulit ulit ang mga senaryo
Lagi akong nagbabahagi sayo
At ito nama'y pinapakinggan mo
Kaya masaya ako

Pero bakit simula noong nauso itong salita
Sa tuwing sayo'y magbabahagi na
Yun na ang sa akin ay isinasagot
Tila dahil doon ako'y nalulungkot

Uy alam mo ba? Ang saya ko!
"Share mo lang?"
Ang lagi kong natatamo
Kaya sa halip ay tumatahimik nalang

Mali bang sayo'y ipaalam?
Ito lang naman ang aking inaasam
Sa akin ay importante ka
Kaya kung sayo'y ibinabahagi, pasensya na

Pero kung darating ang pagkakataon
Na gusto mong ibahagi ang nangyari sayo ngayon
Ika'y ngingitian lamang
At sasabihing, "Sige, Share mo lang"

Makikinig ako
Kung ito ang magpapasaya sayo
Sige share mo lang
Ako'y nandito lamang

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now