Minahal kita ng sobra
Ito'y aking ipinadama
Ginawa lahat ng makakaya
Wag ka lang mawawalaSa bawat araw na dumadaan
Ay aking hinihiling
Na hindi mawala ang ating pagmamahalan
At hindi ka mawala sa aking pilingPero bakit ako?
Ang napili mong saktan ng todo?
Bakit ito ang naging ganti mo?
Sa pagmamahal ko sayoBakit ako ang umiiyak ngayon
Ni hindi ko naisip noon
Na magagawa mo sakin ito
Na ikaw ang wawasak sa aking pusoBakit ako? Ang nakakaranas nito?
May galit ba sakin ang tadhana
At ako ang nakakaranas ng ganito?
At ang lahat ay naging panandaliang sayaBakit ako nalang ata ang malungkot ngayon?
Tila ikaw ay tuluyan ng nakausad ngayon
At ako ay tuluyan ng nakalimutan
Pati ang ating pinagsamahan
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
KöltészetTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...