Sa paglipas ng panahon
Mga bagay ay hindi na naaayon
Mga tao ngayon
Marami ng ipinalalabas na rasonMga bagay ay iba na
Kahit mali ay nagiging tama
Tila tuluyan ng nabulag
Nahuli at nakulong sa bitagIkaw bilang isang tao,
Ano na ba ang papel mo?
Mga parte ay maayos pa bang napapagana?
O maging tungkulin nila ay iba na?Ang iyong utak
Na may kaalamang malawak
Unti unti ng nagiging makitid
Hindi na maayos ang ipinahahatidAng iyong dila
Na siyang daan upang katotohanan ay masabi
Ginagamit na upang mahusgahan ang iba
Katotohanan na ang siyang ikinukubliAng mga mata
Na nagsisilbing gabay upang makakita
Ginagamit na upang maging mapangmata
Lalo na sa mga taong antas ay mas mababaAng mga paa
Na siyang dahilan upang destinasyon ay mapuntahan
Ginagamit na upang manapak ng iba
Masyado na atang nawili sa antas na kinalalagyanAng mga kamay
Ginawa upang mga bagay ay mapagtibay
Ginagamit upang ang buhay ng iba'y manipulahin
Ang iba'y ginagawa ng alipinIkaw bilang isang tao?
Kaya mo pa bang magpakatao?
Magagampanan pa ba ang tungkulin mo?
O tuluyan ng nasakop ng pagbabago?Sa puso mo'y may natitira pa bang awa,
Para sa noon ay tinuring mong kapwa?
O katulad ka na ng iba?
Umasenso kaya tuluyan ng nawalaIkaw bilang isang tao?
Sa iba ay tao parin ba ang tingin mo?
O dahil kasaganahan ay natamasa
Kaya ngayon ay iba na?
आप पढ़ रहे हैं
Spoken Poetry (Tagalog)
कविताTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...