Ikaw yung musika
Na hinahanap hanap ng tenga
Musikang sa akin ay nagpapasaya
Musikang tuluyang minahal naIkaw yung musika
Na sa tuwing naririnig ng aking tenga
May halong tuwa at kaba
Ang lagi kong nadaramaKakaiba ang hatid mong musika
Tila sa akin, may iba itong tama
Yung malungkot kong araw ay sumasaya
Ang katawang walang buhay ay sumisiglaIkaw yung musika
Na kinasanayan ko na
Sa mga araw na dadaan
Hindi magsasawang pakingganNgunit ikaw din yung musika
Na hindi ko inakala
Na maging dahilan
Nitong sakit na nararamdamanNgayon, ikaw yung musika
Na dahilan ng aking mga luha
Dahilan kung bakit basang basa na ang aking unan
Yung musikang nagpabigat sa aking kaloobanNgunit bakit ganun?
At bakit hanggang ngayon?
Ikaw yung musikang nais ko paring pakinggan
Kahit na ako'y nasasaktan langIkaw yung musika
Na naging paborito ko na
Musikang kahit sakit ang dala
Handang ulit ulitan pa
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...