NGITI

4.1K 25 0
                                    

Pinagmamasdan kita
Inaaninag ang iyong mukha
Tinitignan ang bawat kilos mo
Nagaabang na mata nati'y magtagpo

Sa iyong mga ngiti
Ako'y sadyang nabibighani
Kapag ika'y nakikita
Araw ko ay sumasaya

Sa tuwing ika'y papalapit
Dila ko'y pumapalipit
Mga nais sabihin ay nakakalimutan
At napapatitig nalang

Sa iyong mga ngiti
Dala saki'y kilig at saya
Nasasabi nalang sa aking sarili
Ako ata'y nahulog na.

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now